I hate the heat, but I have to thank the temperature for this surreal experience I had last Saturday. I would not have gotten up in an ungodly hour of 5:30 in the morning to go to Commonwealth Avenue had it not been for the sweltering heat in my room that I just had to escape. That and the admirable-slash-irritable persistence of Lana Linaban of Gabriela, who courteously but repeatedly asked me to tag along Angel Locsin and friends that morning and document a trip. “She’ll be in disguise,” said Lana, rather cryptically. That afternoon, Angel — more recently known to public as the beautiful she-wolf of ABS-CBN’s “Lobo” dramaserye — wanted to visit the Payatas dumpsite. But she wanted to freely move around and not have to dodge pesky media people (like me) and screaming fans. (Angel later tells of a mall shop that she visited recently where shop managers had to ask her to leave because of the amount of fans tagging along her, increasing tenfold the amount of possible shoplifters.) She wanted to visit Payatas incognito. Read more: http://krguda.wordpress.com/2008/03/30/on-surreal-mornings-and-political-educations/
Just came back from the exhumation of an unidentified cadaver of a female in Labrador, Pangasinan. It is the same body that Linda Cadapan, mother of missing student activist Sherlyn, suspects may be that of her missing daughter’s. The trip lasted for four hours from Manila to Labrador, a small town north of Lingayen. It is one of those rows of houses you may pass by in Pangasinan on your way to Baguio. The folks were certainly surprised at the sudden attention given to their small town today. As our convoy of vehicles rolled onto their streets, the Labrador people lined up the sidewalks, curiously delighted, as if some sudden good fortune had befallen their sleepy town. Vehicles from two television stations followed, piquing the locals’ interest even further. Read further:ht tp://krguda.wordpress.com/2008/03/13/digging-up-a-half-burnt-body-in-labrador-pangasinan/
Here is our statement of support for Jerrie Abella, current Collegian EIC and candidate of STAND-UP for USC Chairperson in UP Diliman. Tomorrow is the election. One Tough Editor Running the Philippine Collegian is one thankless job. Aside from the nerve-wracking, pressure-packed pressworks that writers and artists deal with on a weekly basis, its editors are burdened with almost impossible, inhuman expectations. The least that they have to be worried about are the rules of grammar (in both languages), which they are assumed to have firm grasp of. They are required by the job to have extraordinary acuity and keenness in analyzing social, political and cultural events. Equally as important, of course, editors have to have a fully developed creative imagination, not to mention, impeccable taste. It is undeniably one of the most demanding jobs on campus, where mere mortals fear to tread. It does not surprise us, therefore, that one of Collegian’s editors – current editor-in-chief, no less – has decided to tread the path of campus politics. He is on familiar ground, for sure. He is vying for one job where his wit and intelligence, superior leadership skills, creative imagination and, well, impeccable taste, can be put to best use. We are talking, of course, about Jerrie Abella. As an astute observer of campus politics for many years, Jerrie has acquired an encyclopedic knowledge of its ins and outs. Trained as a news reporter, he has interviewed and conversed with university administrators and professors, instructors and employees, residents and students – stakeholders all in the business of running a student council. Anyone familiar with how a usual Collegian presswork grinds out knows how tough one must be to be able to go through the entire process with his or her sanity intact. From planning the issue to going through the rigorous editing to the painstaking laying out of the pages, Jerrie has successfully led one of the best Collegian pool of editors, writers and artists in years. This feat is due in no small measure to Jerrie’s leadership. Make no mistake, too: Jerrie is also an impassioned activist. His heart has always been in the right place – the Collegian’s advocacies are testament to that. During the last school year, Jerrie was among the editors who assiduously fought administration intervention in the paper’s fiscal affairs while coming up with creative ways to deliver the news to the students. The Collegian’s past term and the current one were also most valiant in exposing and criticizing the utter underhandedless with which the UP administration passed the tuition hike. Jerrie’s term has also kept vigil of updates on the whereabouts of missing UP students Sherlyn Cadapan and Karen Empeño, as well as other disappeared victims of state fascism. It goes without saying, too, that the Collegian under his term has been most passionate in bringing to the student fore national issues, from demolition of urban poor communities to the national movement to oust the sitting President. Jerrie has also been actively involved with the College Editors Guild of the Philippines and Solidaridad, the UP System-wide Alliance of Student Publications and Writers’ Organizations – of which he is the Secretary General – organizing national conventions and meetings for skills training, building and sustaining networks for the promotion of campus press freedom and advocacy journalism. We have to admit, though: Jerrie is biased. But only because he favors seeing social problems from the point-of-view of the majority of poor and dispossessed Filipinos. He is biased for the students, and makes sure that every ink that he pens will reflect its objective interests and aspirations. He is biased for what is true. Yes, as a journalist, he is obliged to be objective and fair, and the pages of the Collegian in many ways reflect that. But more than being an observer, Jerrie is an activist and a student leader. More than being a mere chronicler of events, he is completely engaged in the conflict of our times. Fortunately for us, he is on our side. This coming election, we, former Philippine Collegian editors, urge you to vote JERRIE ABELLA, for chairperson of the University Student Council. Signed: Jayson DP Fajarda, Editor in Chief, 2004-2005 Ellaine Rose A. Beronio, Editor in Chief, 2002-2003 Kenneth Roland A. Guda, Features Editor, 2000-2001 Lisa Cariño Ito, Associate Editor, 2000-2002 Margaret P. Yarcia, Features Editor, 2006-2007 Katrina Angela R. Macapagal, Associate Editor, 2006-2007 Joan ME Salvador, Associate Editor, 2002-2003 Kendrick T. Bautista, Graphics Editor, 2004-2005 Divina Nova Joy D. Dela Cruz, News Editor, 2003-2005 Rouelle T. Umali, Graphics Editor, 2006-2007 Jeeu Christopher A. Gonzales, Culture Editor, 2006-2007 Wendell M. Gumban, News Editor, 2004-2005
2Talk Creative Convergence happens this February National Arts Month 2008. Music, poetry, live art, impromptus, installations, grafitti, and video-- all happening at Sambalikhaan from February 27 to 29. Sambalikhaan is part of Asian Institute for Liturgy and Music (AILM), 275 E. Rodriguez Avenue, Quezon City and can be accessed from Trinity College near St. Luke's Hospital.
SURFACING, a traveling photo exhibit of decaparecidos and their loved ones will also be on display curated by Nino Tagaro and Jes Aznar.
Tarps and photos: essaying our decaperacidos Estan Cabigas Enrimand "Manman" Dejeto Kenneth Guda Diana Moraleda Sandino Nartea Judy Pasimio Joseph Purugganan Ilang-Ilang Quijano Candice Anne Reyes Leonard Reyes Dennis Rito Marc Talampas Jenny Tañedo Alanah Torralba Curated by Nino Tagaro and Jes Aznar Sambalikhaan Grounds February 27-29, 2008
Sobrang bait ng Malakanyang sa pamumudmod nito ng limpak-limpak na salapi sa kawawa at naghihikahos na mga pulitiko Priscilla Pamintuan
Bilog ang mundo, sabi nga ng isang patalastas ng alak. Dito sa Pilipinas, may ibang kahulugan ito maliban sa gustong pakahulugan ni Galileo. Sa nasabing patalastas, kahit pangit, aksidenteng babagsak ka sa paa ng pulutong ng mga dalagang naka-two piece. Suwerte mo lang mapadpad sa isang islang puno ng magagandang dalaga; hindi mo ito kasalanan. Sa gobyerno, bilog ang mundo dahil kahit halatang mali, ginagawang tama. Ang pamamaslang sa aktibista ay makabubuti sa masa; ang demolisyon ng mga kabahayan ay magpapayaman sa mahihirap. At ang panunuhol ay makabubuti sa ekonomiya. Ito, sa esensiya, ang sinasabi ng Malakanyang: bilog ang mundo, walang tama o mali. Para sa Malakanyang, tama lamang na magpamudmod ng milyun-milyong piso sa mga kongresista at lokal na opisyal noong unang linggo ng Oktubre. Wika nga ng Sekretaryo ng Environment and Natural Resources Lito Atienza, normal na lamang ang pamimigay ng mga regalo sa mga bisita ng Malakanyang. Sa madaling salita, ang pulitika, sa wika naman ng anak ni Lito na si Kuya Kim, ay “weder-weder lang.” Kawawa sila Walang kasinghirap maging gobernador o alkalde sa Pilipinas. Buti na lang, mayroon pa ring may mga dalisay na pusong handang tumulong sa mga lokal na opisyal na lublob sa karalitaan at paghihirap. Buti na lamang, nariyan ang LPP (League of Provinces of the Philippines), ang Ulap (Union of Local Authorities of the Philippines) at siyempre pa, ang kapita-pitagang Malakanyang. “Nang ako’y baguhang gobernador, nahirapan akong tugunan ang hiling ng gawain at ang pangangailangan ng mga nasasaklawan ko, kaya kailangan ng suportang pampinansiya para makatugon ako at maging epektibong lider.” Ito ang paliwanag ni Salvacion “Sally” Zaldivar Perez, gobernador ng Antique at tagapangulo ng LPP sa Kanlurang Bisaya. Sagot ito ni Perez sa mga alegasyong “sinuhulan” ng Malakanyang ang ilang lokal na opisyal at kongresista para suportahan ang isang “mahinang” reklamong impeachment laban kay Pangulong Arroyo. Sa Kongreso noong nakaraang buwan, isiniwalat ni Anakpawis Rep. Crispin “Ka Bel” Beltran na tinangka siyang suhulan ng P2-Milyon para suportahan ang reklamong impeachment ni Atty. Roel Pulido. Sinegundahan siya ng iba pang kongresista, na tila nilapitan din ng mga alyado ng Palasyo at inalok ng malaking halaga. Hindi nagtagal, lumantad naman sina Gob. Ed Panlilio ng Pampanga at Gob. Joselito “Jonjon” Mendoza ng Bulacan na nagsabing sila rin ay binigyan ng tig-P500,000 sa mismong Palasyo. Pero nagkakamali sina Panlilio at Mendoza, paliwanag ni Perez. Ang totoo, naawa lang ang LPP at Ulap sa mga tulad nilang baguhan sa puwesto. Marahil, sanay na sa abuloy si Panlilio na dating pari. Mensahe ng Simbahan na tumingin lampas sa pisikal na anyo, pero iba na ang mundo kapag gobernador ka na. Haharap ka sa madla. Sa totoo lang, kulang ang kalahating milyon sa pagpaparetoke ng kutis. Tanungin ang sinumang artista na dumaan sa dapat-sana’y pambansang alagad ng sining na si Dr. Vicky Belo. Kawawa rin ang mga kongresista. Mahirap ‘atang maging kongresista, nakaupo maghapon sa malamig na opisina o sa session hall. Nakakataba ang maghapong nakaupo. Kung kaya marahil nakatulong ang “pabaon” para sa pagpapa-liposuction ng mga kongresista. Paliwanag ni Sek. Ronaldo Puno ng Interior and Local Government, ang binigay na pera ay “pabaon” lamang para sa mga kongresista na bumisita sa Malakanyang. Mabait lang talaga sila. Kahit sa mga oposisyonista at maingay na kritiko ng Malakanyang na tulad ni Beltran, malambot din naman ang puso ni Pangulong Arroyo. Sabihin na nilang pakonsuwelo de bobo na lamang ito kay Beltran na mahigit isang taong ikinulong sa ibinasurang kasong rebelyon. Pero kung gagamitin lamang ni Beltran ang dalawang milyon na pambayad sa mga utang niya sa Heart Center, siguradong may sukli pa siyang maibubulsa. Panunuhol at pagsabog Pero para lang walang kuwestiyon, minabuti na ni Pangulong Arroyo na paimbestigahan sa Presidential Anti-Graft Commission ang mga alegasyon ng panunuhol. Hanggang ngayon, wala pa ring inilalabas na resulta ang imbestigasyon. Pero hindi na ito kailangan, dahil sa sumunod na mga pangyayari na tila idinisenyo para ibaling ang atensiyon ng madla palayo sa panunuhol. Sumabog ang isang bahagi ng Glorietta Mall noong Oktubre 19 sa mismong araw na tumetestigo sa Senado si Jose “Joey” de Venecia III sa pagkakasangkot ni Pangulong Arroyo sa tangkang panunuhol naman ni dating Komisyoner Benjamin Abalos ng Comelec kay Romulo Neri na dating tagapangulo ng Neda (National Economic Development Authority). Napakaganda ng timing. Agad na idineklara ng Malakanyang na akto ng terorismo ang pagsabog na ikinamatay ng 11 katao at ikinasugat ng mahigit 100. Nauna nang sinabi ng PNP (Philippine National Police) na nakakuha ito sa lugar ng pagsabog ng mga bahid ng mga kemikal para sa C-4, isang pasabog na eksklusibong ginagamit ng AFP (Armed Forces of the Philippines). Samantala, habang tulog ang lahat isang gabi matapos ang pagsabog, tinangka naman ng dalawang nagpakilalang miyembro ng AFP na maglagay ng “ebidensiya” sa Glorietta. Nabuking sila. Kinabukasan, iba na ang istorya ng PNP: “aksidente” na ang pagsabog sa Glorietta. Pero di kumbinsido ang Ayala Land Inc., may-ari ng Glorietta. Kumuha ito ng dayuhang eksperto mula sa Science Council ng United Kingdom na si Stephen Etheridge, na nagsabing imposibleng magkombina ang diesel at methane gas sa kondisyon ng basement sa Glorietta 2 para sumabog. Ito rin ang sinabi ng dalawang propesor ng Chemistry mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Anuman ang totoo, nagawa ng trahedya sa Glorietta – at ng sumunod na isyung pagpapalaya kay dating Pangulong Joseph Estrada – na bahagyang tabunan ang isyu ng diumano’y panunuhol. Sa pagsumite naman ng Oposisyon ng bagong reklamong impeachment, tila hindi kinakabahan si Arroyo: sa huling sandali’y sinasabi niyang nakipagbati na siya kay Espiker de Venecia. Ani Rep. Prospero Nograles Jr., lider-mayorya ng Kamara, walang tsansa ang impeachment dahil sa dami ng alyado ng Pangulo sa Kamara. Bilog nga ang mundo, isip marahil ng Palasyo. Anumang hugis ng pera ngayon, madali nitong nabibilog ang ulo ng mga kongresista.
Sa kabila ng halos tatlong taong di-makatarungang pagkapiit, inspirasyon si Angie Ipong para ipagpatuloy ang paghangad ng makabuluhang pagbabago sa ating bayan.
Angie Bisuña-Ipong (Pinaigsing salin ni KR Guda) Marso 8, pandaigdigang araw ng kababaihan, nang dukutin ako ng armadong kalalakihan. Dinala ako iba’t ibang kampo, ipiniit nang incommunicado, tinortyur, minolestiya, pinagkaitan ng karapatan, at idineklarang nawawala nang 14 na araw hanggang sa ilantad ako sa Pagadian City Jail. Dalawang taon na ang nakaklraan, ngunit sariwa pa rin sa alaala ang aking karanasan – ang ilegal, di-makataong pagtrato ng militar sa isang 60-taong-gulang na babae. Nangingilabot akong magagawa ito ng sinasabing mga tagapagtanggol ng batas. Dalawang taon na ako sa di-produktibong buhay, hinaharap ang pekeng mga kaso, dumadalo sa makukupad at nakababagot na pagdinig sa korte, bitbit paroo’t parito ng armadong mga sundalo. Nakikita rito ang kainutilan ng ating sistema ng hustisya. Alam nating idinisenyo ito para bumigay ako, sirain ako, bulukin ako sa piitan. Dalawang taon na ako sa piitang ito – isang masikip, mainit, mausok, at maingay na kulungan, kasama ang ibang preso na inaakusahan ng karaniwang krimen. Mahirap ang unang mga buwan sa piitan. Humina nang husto ang kalusugan ko. Marahil, dahil sa 14 na araw na pagpapahirap sa akin, kasama na ang mahirap na kalagayan sa kulungan. Dalawang beses akong inatake, tumaas ang presyon, sumakit ang dibdib at likod, nahilo, at nasuka. Palagi akong sinisipon at inuubo. Ilang buwan ding nanghina ang katawan at diwa ko. Buhay-piitan Pinilit kong bumagay sa sitwasyon. Una, sa pamamagitan ng paghahardin ng organikong gulay sa loob ng compound ng piitan. Nagtanim ako ng masisiglang gulay at, sa kalaunan, ng bulaklak. Nakapagpasigla sa akin ang trabaho sa hardin. Maliban sa pagtatanim ng mga gulay na makakain, kaiba sa pangit na rasyong ibinibigay sa amin, dito ko rin nakukuha ang pagpapaaraw at ehersisyo. Sa pahintulot ng warden at sa suportang pinansiyal ng aking mga kaanak at kaibigan, nagtayo kami ng rehab area kung saan isinagawa ang mga proyektong panrehabilitasyon ng kababaihan tulad ng paggawa ng kard, pananahi, paggawa ng beads, at iba pa. Nagsilbi rin itong pahingahan nang makaranas ako ng matinding ubo nang tatlong buwan. Naging extension cell ito nang dumami ang bilang ng mga babaing preso na hindi na halos maipasok sa lumang piitan. Sa magandang lugar na ito na malayo sa dumi at usok, gumanda ang kalagayan ko. Pero tumagal lamang ito nang walo at kalahating buwan, mula 2006 hanggang Enero 2007. May bagong warden at bagong mga polisiyang ipinatupad. Ibinalik kaming lahat sa lumang piitan. Binawi ang rehab area at ginawang tindahan ng mga empleyado ng piitan. Itinigil lahat ng gawaing panrehabilitasyon. Binigyan na lamang kami ng isang oras sa umaga at isa sa hapon para sa magpaaraw. Humiling ako ng panahon sa pagtatanim. Pinangakuan kaming ililipat sa bagong piitan para maipagpatuloy ang rehabilitasyon, pero nananatiling pangako ito hanggang ngayon. Ito ang buhay sa piitan, laging nakapailalim sa kung sino ang awtoridad. Paggawa ng kard Abala pa rin ako sa paggawa ng kard. Pangontra ito sa pagkabagot. Kung nakabubuti sa katawan ang pagtatanim, ang paggawa naman ng kard ay para makapagpahayag ng aking naiisip, ng aking mga pakikibaka, ng aking mga pangarap. Daluyan ito ng inspirasyon para sa akin at sa mga taong nakakatanggap nito. Nagsimula ako sa paggupit ng mga letra at simbolo. Napag-alaman kong magandang materyal sa mga kard ang damo sa hardin. Likhang-sining ang nagagawa ko mula sa mga itinapon. Walang dalawang kard ang magkapareho. Bawat isa ay ekspresyon ng pagkamalikhain. Ang mga quotation ay nagmula sa mga alaala ko, o resulta ng repleksiyon ko sa iba’t ibang aspekto ng buhay sa piitan, o mula sa mga libro at magasin na nabasa ko. Habang nagbabasa, nakakakuha ako ng magagandang pahayag na paglilimian ko at ng iba pang tao rito. Natutuwa rin ang mga tao na nakak atanggap sa iba’t ibang lugar sa bansa at daigdig. Inspirasyon para sa kanila ito. Pagmumuni at pagpupugay Ang pagkakakulong ay paglagay sa iyo sa isang limitadong espasyo, limitadong mundo. Pero naikukulong lamang ng mga pader at bakal na ito ang katawan, hindi ang ating mga isipan at paninindigan. May mga buwan noong nakaraan na hindi ako nakakatanggap ng dalaw, tawag o liham ng pag-aalala. Nakapag-isip akong kinalimutan na yata ako. Pero nalalampasan ko ito nang may matibay na tiwala at pag-asa na di ako nag-iisa sa pakikibaka. Inaalala ko ang maraming biktima ng paglabag sa karapatang pantao, ang desaparecidos, at lahat ng nagbigay ng kanilang buhay sa bayan. Tahimik nilang dinanas ang pait at sakit. Sila ang nagbibigay-lakas sa akin sa mahihirap na panahon. Kalungkutan, pagkabagot, pagkabalisa, pagkaawa sa sarili, hatak para magkompromiso at bumuti ang buhay, takot sa sakripisyo – ito ang matitinding tukso na magpapayukod at magpapahina sa atin. Pero ang pagyukod ay pagsuko sa ating integridad, pagtahak sa madaling landas, pagpapahina sa tibay ng ating komitment. Binibigyang-pugay ko ang lahat ng taong nagbigay sa akin ng suporta sa madilim na panahong ito – ang aking mga kapatid at kaanak, kaibigan at katrabaho, mga tagapagtanggol ng karapatang pantao, manunulat, manggagawang pangkalusugan at taong simbahan. Inspirasyon kayo sa akin. Pahintulutan ninyo akong tapusin ang liham sa isang quotation: “Sa harap ng paggapos sa kalayaan at nararanasan nating brutalidad, mabigat ang ating loob ngunit dapat magpatuloy sa pakikibaka gaano man katindi ang paghihirap. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa.” Nagmamahal sa pakikibaka, Angie (Nananatiling nakapiit sa Pagadian City Jail sa Zamboanga del Sur si Angie Ipong, aktibistang makabayan at maka-kababaihan na ngayo’y 63-taong-gulang. Isa siya sa mahigit 60 babaing detinidong pulitikal sa Pilipinas. Inaakusahan siyang nangungunang rebelde sa rehiyon, pero kung anu-anong karaniwang krimen tulad ng pagpatay at panununog ang ikinakaso sa kanya. Isinulat niya ang liham na ito noon pang Marso 8, pero kamakailan lamang naipuslit mula sa piitan.) Pinaigsing salin ni KR Guda
‘Bagong pananakop’ ng bansang Japan sa Pilipinas ang Jpepa na magpapatindi sa kahirapan ng mga magsasaka at pipinsala sa ekonomiya ng bansa.
Soliman A. Santos / Kenneth Roland A. Guda Hindi na sumasapat ang mahigit 60,000 metrikong toneladang tuna na paboritong pagkaing sushi at sashimi ng mga Hapon. Nasasaid na ang bilang ng mga isdang bluefin sa mga karagatan ng Japan. Ngayong taon, napag-alaman na pabagsak na ang bilang ng tuna sa iba pang karagatan. Kailangan ng Japan ng agarang mapagkukunan ng tuna. “Itinuturing na national pride ng Japan ang sushi,” pahayag ng New York Times, sa ulat nito hinggil sa krisis sa tuna ng Japan nitong Hunyo 2007. Simbolo ng pang-ekonomikong kapangyarihan ng Japan ang tuna. Dominado nito ang mga merkado ng tuna mula Amerika hanggang Asya-Pasipiko. Aabot sa 3/4 ng taunang suplay ng tuna sa mundo ang napupunta sa mga mamamahaling restawran at kainan ng sushi at sashimi sa Japan. Ngayong pabagsak ang nahuhuling isdang tuna sa mga karagatang Atlantiko at Mediterranean, maraming restawran ang napilitang gumamit ng pamalit sa tuna, tulad ng abokado, karne ng kambing at kabayo, o ng iba pang isda. Pero hindi ito pinatos ng mga Hapon na sugapa sa tuna. Kailangang masunod ang gusto nila. Bagong ‘pananakop’ ng Hapon
“Dito papasok ang Pilipinas,” paliwanag ni Gerry Albert Corpuz, public information officer ng Pamalakaya (Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas). Nang ideklara ni Marcos ang pangisdaan ng Pilipinas bilang “pugad ng dayuhang pamumuhunan” sa bisa ng Presidential Decree 704, nangunguna ang mga Hapon sa pangingisda sa ating karagatan. Nanguna rin ang Japan sa deep-sea fishing sa Pilipinas nang mapasailalim ang bansa sa Structural Adjustment Program ng IMF (International Monetary Fund) na nakatuon sa maramihang pangingisda at komersiyal na paghuli ng hipon, lobster, bangus, sugpo at iba pang yamang-dagat na mahal sa pandaigdigang pamilihan. “Sa 1,227 na komersiyal na mga fishing vessel sa Pilipinas (noong panahong iyon), karamiha’y galing sa Japan,” ani Corpuz. Kapalit nito, naka-kuha ang gobyerno ng mga pinaglumaang kagamitang pandagat, tulad ng mga lumang barko. Ibinenta ito sa mga lokal na negosyante tulad ng Sulpicio, na nagnenegosyo sa komersiyal na shipping. Matapos ang pag-aalsang 1986, nagpatuloy ang pamumuhunan ng Japan sa pangingisda sa Pilipinas nang maglaan ang gobyernong Aquino para sa EZZ (exclusive economic zone) para sa pananaliksik ang mga Hapon hinggil sa mga yamang-dagat ng bansa. Nanguna rin ang Japan sa mga dayuhang mamumuhunan nang isabatas ng gobyernong Ramos ang Fisheries Code of 1998 na nagbigay-daan sa mga dayuhang mangisda sa mga municipal water na dating nakalaan sa maliliit na mangingisda. Lalong tumindi ang pagpasok ng dayuhan nang maging miyembro ang Pilipinas ng WTO (World Trade Organization) noong 1994. Ayon sa datos mismo ng gobyerno, bumaba ang kita ng bansa sa pagluluwas ng produktong dagat mula 25.5% ng industriya noong 1990 hanggang 1995, hanggang maging 20% mula 1995 hanggang 2002. “Panahong ito tumindi ang pag-aangkat natin ng isda. Ngayon, aabot sa 55.78 porsiyento ng isda sa palengke ay inaangkat natin,” sabi pa ni Corpuz. Ang problema, marami sa mga isdang mula sa malalayong bansa tulad ng Japan, Tsina at Peru ay may formalin. “May tawag sa mga isda na galing Hapon: ‘Japayuki fish’. Sagana ito sa formalin. Mataba, malaki, at medyo kulay pink,” ani Corpuz. Gobyernong Arroyo at Jpepa
Sa ilalim ng Ginintuang Masaganang Ani, nagtakda ng target sa produksiyon sa palaisdaan ang gobyernong Arroyo: mula 1.05 milyong MT (metrikong tonelada), dapat ay maging 1.35 M MT. Para sa industriya ng pangisdaan, nangangahulugan ito ng matinding kumbersiyon ng mga dating wasteland, pagtatayo ng mga maniculture park, condominium-type na fish tanks, at eco-village zones. Sa panahon ding ito na-ramdaman ng mga Hapon ang papaliit na suplay ng tuna. May kakulangnan ang Japan ng 630,000 MT tuna. Kumokonsumo ang bawat Hapones ng 11 pound ng tuna kada taon. Mayo 2002 nang magsimulang buuin ang konsepto ng Jpepa (Japan-Philippines Economic Partner-ship Agreement). Noong Setyembre 2006 tahimik na nilagdaan ang Jpepa. Nangangamba ang mga mangingisda sa Jpepa, sabi ni Corpuz. Sa maraming probisyon nito, binibigyang-laya ang mga kompanyang Hapon na mangisda sa karagatan ng Pilipinas. Sa Artikulo 29, Seksiyon 2 ng Jpepa, buong-buo ang pagkuha ng isang partido ng isda anumang paraan ng panghuhuli. Naniniwala si Corpuz na hindi lamang tuna, kundi maraming uri pa ng isda ang huhulihin ng mga barkong pangisda ng Japan. Nakasaad sa Artikulo 93 ng Jpepa na bawal ang Pilipinas na magkaroon ng mga barkong pinangangasiwaan ng mga Pilipino. Ang masahol pa rito, pinagbabawalan ng Jpepa ang paglalagay ng Pilipinas ng quota, tiyak na bilang ng iluluwas o magtakda ng tiyak na porsiyento ng domestikong ani, at inspeksiyunin ng gobyerno ng Pilipinas ang huling isda o ang pagpoproseso sa loob ng barko. “Kahit gaano karaming isda ang hulihin nila, wala tayong kontrol,” sabi ni Corpuz. Dagdag pa rito, sa Artikulo 97, pinapayagan ang mga mamumuhunang Hapon na ilipat ang kanyang puhunan nang malaya papasok o palabas nang walang sagabal. Marami pang insentibo, tulad ng tax holiday. Pinangakuan naman ng gobyernong Pilipino ang Japan ng taunang produksiyon na 200,000 MT ng tuna. Sa kabuuan, tumataginting na US$970-M ang inaasahang kita ng Japan sa tuna fishing lamang nito sa Pilipinas. Epekto sa mangingisda
Tinataya ng Pamalakaya na aabot sa 180,000 mangingisda ng tuna ang maaapektuhan sa bansa. Apektado rin ang P9-Bilyong industriya ng tuna – karamiha’y nakabase sa General Santos City. Sa kabila nito, hindi nababahala ang DTI (Department of Trade and Industry), dahil ayon kay Sekretaryo Peter Favila ng DTI, “tumatagos ang benepisyo ng Jpepa sa halos lahat ng sektor ng ekonomiya.” Sa papel, may benepisyo ang Pilipinas sa Jpepa. Pero ang problema, sabi ni Corpuz, imposibleng makapangisda ang barkong Pilipino sa EEZ ng Hapon dahil sa mababang antas ng teknolohiya ng pangisdaan sa bansa. Hindi lamang sa industriya ng pangingisda, may mga probisyon din ang Jpepa sa electronics, machinery, automotive industry, prutas, kagamitang medikal, at maging sa serbisyo. Ayon kay Mandy Felicia, mananaliksik ng Ibon Foundation Inc., isang institusyong pananaliksik sa larangan ng pulitika at ekonomiya sa bansa, nakatuon ang Jpepa sa pangangailangan lamang ng Japan – mula sa pagluluwas ng sobra-sobrang nilikhang sasakyan hanggang sa pag-angkat nang kulang na kulang na tuna.
Ibang-iba na ang Tsina ngayon sa Tsina noong panahon ng rebolusyonaryong lider na si Mao Zedong. Patunay ang umaalingasaw na eskandalong NBN-ZTE. Kenneth Roland A. Guda / Noel S. Barcelona / Soliman A. Santos SA kainitan ng imbestigasyon ng Senado sa eskandalo ng kasunduang NBN (National Broadband Network) at ZTE Corp. noong Setyembre 24, dumagsa ang mga magsasaka sa Embahada ng Tsina. Galit sila at halos isumpa sa impiyerno ang Tsina. Bukod sa NBN, kinondena nila ang iba pang kasunduan ng Pilipinas at Tsina na naglalayon umanong “pagsamantalahan” ang mga lupaing agrikultural ng Pilipinas. Mula nang tahakin ang landas ng “kapitalismo”, ayon sa mga magsasaka, nabulok na ang pulitika ng Tsina. Parang kailan lang, nagpoprotesta ang mga progresibong Pilipino para hikayatin ang gobyerno ng Pilipinas na magbukas ng diplomatikong relasyon sa Tsina, ang nangungunang sosyalistang bansa sa mundo. Parang kailan lang, Tsina ang nagsilbing inspirasyon para isulong ng mga militanteng Pilipino ang kilusang rebolusyonaryo sa Pilipinas, at para mapalaya ng mga magsasaka ang sarili mula sa piyudalismo. Ano ang nangyari sa Tsina? Landas tungong sosyalismo Matapos ang madugong digmaan laban sa mananakop na Hapon at maging sa reaksiyonaryong Kuomintang sa China, inilarga ng gobyernong Tsino, sa pangunguna ng rebolusyonaryong lider na si Mao Zedong, ang pagbabagong panlipunan sa bansa. Sa simula ng kanyang pamumuno, tiniyak ng bagong-tatag na Republikang Bayan ng Tsina ang pagpapataas ng sahod ng mga manggagawa. Kinontrol ng gobyerno ang presyo samantalang iniaangkop ang sahod ng mga anakpawis sa antas ng implasyon. Sa gayon, maging abot kaya sa karaniwang mamamayang Tsino ang batayang mga pangangailangan: bigas, uling, harina, mantika at bulak. Taong 1950, sinimulan ang repormang agraryo na pangunahing salalayan ng pang-ekonomiyang pagbabago sa Tsina. Gayunman, dahil sa di-maalis na pagsasamantala ng ilang panginoong maylupa at mayamang magsasakang pinagkalooban ng lupa, itinatag ang kolektibong lupang pansakahan noong 1953 para matiyak ang pag-unlad ng agrikultura; at para makapasok ang bansa sa yugto ng industriyalisasyon. Mahigit sa 800,000 kolektibong lupang pansakahan ang naitatag sa mga kanayunan ng Tsina noong 1957 hanggang at noong 1958, naitatag ang mga commune o komun. Taong 1952 naman nang ipatupad ang Limang Taong Plano para sa pambansang industriyalisasyon ng Tsina. Kasabay nito ang pag-aangkop ng kurikulum sa mga paaralan para mahusay na maisakatuparan ang pambansang industriyalisasyon. Binaka sa lipunang Tsino ang bulok na mga ideya sa pamamagitan ng rebolusyong pangkultura na inilunsad ni Mao sa loob ng isang dekada (1966-1976). Dahil nalalaman ni Mao ang “pagbabalik ng mapaminsalang kaisipang “burges,” mahigpit niyang tinunggali ang rebisyunistang pananaw na kalaunan ay sisira sa kabuuan ng sosyalistang sistema na umiiral na noon sa Tsina. Sa panahong ito, mariing inilantad, binatikos at kinalaban ang mga nasa liderato na lihim na nagpapanumbalik sa kaisipang burges at nanghihikayat pa ng marami, laluna ng kabataan, para talikdan ang rebolusyonaryong landas. Sa sanaysay na “On the Role of Mao Zedong” sa Monthly Review noong 2004, ipinaliwanag ni William Hinton, eksperto sa ekonomiya at pulitika ng Tsina noong panahon ni Mao, na layunin ng rebolusyong pangkultura na mapakilos ang malaking bilang ng mga magsasaka para sa pagtataguyod ng kanilang interes. Sa pamamagitan ng Partido Komunista, nahalal ang mga magsasaka sa mga puwesto ng pamumuno. Ayon kay Hinton, isa itong breakthrough sa kasaysayan ng daigdig. Kamatayan ni Mao Sa kamatayan ni Mao, gayunman, natapos ang rebolusyong pangkultura. Nabigo ang rebolusyong ito na alisin sa Partido Komunista ang maraming miyembro na nagtataguyod ng interes ng naghaharing mga uri tulad ng mga panginoong maylupa at malalaking negosyante. Paliwanag ni Hinton, sa ilalim ni Deng Xiaoping, unti-unting iniatras ang mga tagumpay ng sosyalismo: mula sa pagbuwag sa kolektibisadong agrikultura hanggang sa pagtigil ng pagtatatag ng batayang mga industriya. Sa pagpapalaganap ng mga konseptong “Ang maging mayaman ay mabuti” at “Hindi na mahalaga kung itim o puti ang pusa, basta nakakahuli ng daga”, ipinalaganap ni Deng ang kaisipang kapitalista. Ngunit hindi naging ganap na kapitalista ang Tsina. “Sa mundong dominado ng imperyalismo at mga korporasyong multinasyu nal na may pandaigdigang saklaw at lakas, alinmang bansang Third World (tulad ng Tsina, dahil hindi nito natapos ang industriyalisasyon) na tatahak sa landas ng kapitalismo ay tatahak sa landas tungo sa malakolonisasyon,” paliwanag ni Hinton. Sa ngayon, matindi ang ligalig sa mga magsasaka ng Tsina dahil sa kawalan ng lupa. Sa ulat ni Hannah Beech ng Time Magazine noong Marso 2006, naisiwalat ang tumitinding disgusto ng mga magsasakang Tsino. Ang estadong pinangungunahan ng mga panginoong maylupa at malalaking negosyante umano ang pangunahing nang-aagaw ng mga lupain ng maliliit na magsasaka. Matindi na rin ang pagpasok ng dayuhang mga negosyante. Ibinebenta kasi ng gobyerno ng Tsina ang lakas-paggawang Tsino sa napakamurang halaga. Ang average na suweldo ng manggagawang Tsino ay US$0.57 (P25+) kada oras o $104 ((P4,600+) kada buwan. Dahil sa pangangamkam sa kanilang lupa, hindi bababa sa 200 milyong magsasaka ang walang kabuhayan ngayon, ayon sa mga eksperto. Inaasahang 500 milyon naman ang mapipilitang lumikas mula kanayunan tungong lungsod dahil sa kawalan ng trabaho. Samantala, abala ang gobyerno ng Tsina sa pagpapalawak ng mga negosyo nito sa ibang bansa. Habang ibinubukas nito ang sariling mga industiya sa dayuhang pamumuhunan, namumuhunan rin ito sa mga bansang tulad ng Pilipinas. Paliwanag ni Jose Maria Sison, tagapangulo ng International League of Peoples’ Struggle, malayo pa sa pagiging imperyalistang bansa ang Tsina. Nananatiling napakataas ng utang nito sa mga internasyunal na institusyong pautangan at maraming industriya sa Tsina ang kontrolado ng mga dayuhan. Hindi rin ganoon kataas ang produktong luwas ng Tsina, kumpara sa mga labis na produktong iniluluwas ng US, mga bansang Europeo at Hapon. Sinabi pa ni Sison na limitado ang kakayahan ng Tsina na mag-eksport ng kapital tulad ng ginagawa ng US, Europa at Hapon. “Nakikipag-alyansa ang Tsina (sa mga imperyalistang bansa) sa pamamagitan ng kartel, sindikato at iba pa, pero nagsisilbi lamang itong katuwang ng mga mas maunlad na imperyalistang kapangyarihan,” ani Sison. Relasyong Tsino-Pinoy Magmula nang talikuran ng Tsina ang sosyalismo, nagbago na rin ang relasyong Tsino at Pilipinas. Kung noong panahon ni Mao, inaakusahan ito bilang pangunahing tagasuporta ng mga kilusan sa pambansang pagpapalaya (ang Communist Party of the Philippines ay nagtataguyod ng ideyolohiyang Maoista), ngayon ay katuwang na ito ng gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpahiram ng pondo para sa kumbersiyon ng mga lupaing agrikultural ng bansa at pagpapalakas sa Armed Forces of the Philippines. Ayon sa KMP (Kilusang Magbubukid ng Pilipinas), tinatayang 1.5 milyong ektarya ang mawawala sa mga magsasaka para tamnan ng mga hybrid na mais, palay at sorghum ng Tsina. Naniniwala rin ang KMP na ginagamit ng pamilyang Arroyo ang kasunduang RP-Tsino, gayundin ang Biofuels Law, para matakasan ang reporma at pamamahagi ng kanilang lupa, partikular ang 157 ektaryang bukirin sa Negros Occidental. Paliwanag ng Ibon Foundation Inc., ang pagiging agresibo ng Tsina sa mga kasunduan sa mga bansang tulad ng Pilipinas ay hindi itinutulak ng simpleng kagustuhan nitong makaimpluwensiya sa Asya. May mga pangangailangan ito, sa pagkain, halimbawa, na matutugunan sa pamamagitan ng pagkuha ng pagkain sa Pilipinas. Samantala, ang sariling lupain ng Tsina ay ginagamit ng malalaking bansa para sa pangangailangan naman ng mga ito. Sa panayam ng Pinoy Weekly kay Prop. Caroline Hau, awtor ng mga akda hinggil sa relasyong pangkulturang Tsino-Pilipino (o Tsinoy) at associate professor sa Center for Southeast Asian Studies sa Kyoto University, sinabi niyang matindi rin ang pagbabago sa komunidad ng Tsino-Pilipino sa bansa. “Isa dito -- ang pampulitikang sigalot sa pagitan ng mga elementong maka-KMT (Kuomintang) at maka-Mainland Chinese (gobyerno ni Mao) -- ay wala nang saysay dahil sa pagbabago sa henerasyon at sa pampulitikang stiwasyon sa Pilipinas at Tsina,” ani Hau. Sinabi pa ni Hau na kadalasang tinitingnan ng mga Tsinoy ang Tsina bilang lugar na pagkakakitaan, sa halip na bansang malapit sa kanilang puso dahil dito sila nanggaling. “May malaking ebidensiya na may kompetisyon sa halip na kooperasyon sa pagitan ng malalaking negosyo sa Pilipinas at sa mga joint venture sa Hongkong, Taiwanese at kompanyang Mainland Chinese.” Korupsiyon sa Pilipinas Sinabi rin ni Hau na ang kasalukuyang eskandalo na kinasasangkutan ng kompanyang Tsino na ZTE ay komentaryo lamang ng korupsiyon sa Pilipinas, hindi ng korupsiyon sa Tsina, bagamat marami ang naiuulat na ganito sa Tsina. “Sa mga bansa o korporasyong gustong makipagnegosyo sa Pilipinas, walang makakatakas sa korupsiyon at pakikipagsabwatang kalakaran sa pagnenegosyo sa Pilipinas,” paliwanag niya. Binatikos ni Hau ang pahayag ni Sen. Miriam Defensor Santiago na sa “Tsina inimbento ang korupsiyon.” Unang una, aniya, dalawa ang sangkot sa korupsiyon – ang nanunuhol at ang sinusuhulan. “Sa kabuuan, ipinapakita nito (pahayag ni Santiago) ang uri ng kneejerk racism ng mga elite, na sa halip na sisihin ang sarili, ay nagsasama-sama at kumikilos na tila inosente, (o) tila inosenteng birhen na ‘kinurakot’ ng mga Tsinong ‘mapagsamantalang’,” paliwanag ni Hau. “Inimbento ng mga Tsino ang papel, imprenta at compass, at iniambag sa mundo sina Confucius at Lao Tze, pero siguradong hindi nito inimbento ang korupsiyon. Homo sapiens ang nag-imbento ng korupsiyon,” sabi pa ni Hau. Gayunpaman, dahil sa kapitalistang tunguhin ng Tsina, mas nagiging bulnerable ito sa aregluhan. Sa pag-aaral ng Chinese National Conditions Research Center sa Chinese Academy of Sciences noong 2003, napag-alamang tumindi ang korupsiyon sa mga transaksiyon ng gobyerno at mga negosyante. Noong 1992, walang naitalang kaso ng panunuhol sa gobyerno nang mas mataas sa 100,000 yuan (US$12,081.7). Pero matapos ang 1992, may 37 kasong naitala na lalampas sa 100,000 yuan, at 12 kasong lampas sa isang milyong yuan. Taong 2000, may naitalang limang kaso na lampas sa isang milyong yuan. Isa lamang, samakatuwid, ang ibig sabihin nito: Ibang-iba na ang Tsina ngayon sa Tsina noong panahon ni Mao. Gayunman, patuloy na magiging inspirasyon ng mga magsasaka at iba pang militante ang rebolusyon ng mga pesante sa Tsina sa pamumuno ni Mao. Pero ang mga leksiyon noon ay gagamitin nila, hindi lamang laban sa mga mangangamkam na Pinoy at Kanluranin, kundi laban sa mga mapagsamantalang Tsino mismo.
Nagbabalik ang dating imaheng “kurakot” ng mister ng Presidente bunga ng pinakahuling eskandalong sumabog sa mukha ng administrasyong Arroyo – ang proyektong NBN. KENNETH ROLAND A. GUDA “SOBRANG pag-aalala” o stress ang paliwanag ng mga doktor ni Unang Ginoo Jose Miguel “Mike” Arroyo kung bakit siya nagkasakit ng aortic aneurism noong Abril 2007. Kalagitnaan ng nakaraang halalan, nagbakasyon ang Unang Pamilya sa Baguio City para ipagdiwang ang Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. Dumanas ng matinding kirot ng dibdib si Mike. Itinakbo siya sa St. Louis University Hospital. Agad na kinansela ni Pangulong Arroyo ang lahat ng iskedyul, manatili lamang sa tabi ng asawa. Lunes ng tanghali, inilipad si Mike ng presidential helicopter papuntang Quezon City, kung saan naghihintay sa St. Luke’s Medical Center ang pulutong ng mga kaibigan, nag-aalala sa delikadong lagay ng kanilang “bosing”. Sobra sa trabaho si Mike, sabi ng mga doktor. Abala ang Unang Ginoo sa pangangasiwa sa kampanya ng administrasyon. Ayon sa mga ulat, kay Mike nakasentro ang pondo ng Team Unity. Bago nagkasakit, okupado rin siya sa iba pang gawain – gaya ng pagbabanta diumano kay Jose “Joey” de Venecia III, opisyal ng Amsterdam Holdings Inc. at anak ni Espiker Jose de Venecia. Gusto ng Amsterdam na makuha ang kontrata sa pagtatayo ng broadband network ng gobyerno sa buong Pilipinas. (Basahin ang kaugnay na artikulo.) “Back off! (Umatras ka!),” sigaw diumano ni Mike kay Joey, nang magkita ang dalawa sa Wack Wack Golf and Country Club sa Mandaluyong noong kalagitnaan ng Marso. “Iwanan mo na ang proyekto. Huwag ka nang sumali dahil may ibang kasali diyan,” sabi pa raw ni Mike. Lahat ito ay ikinuwento ni Joey sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa mga anomalya sa kontrata ng NBN (National Broadband Network) at ZTE (Zhong Xing Telecommunication Equipment Company Limited) noong Martes, Setyembre 18. Matapos ang komprontasyon, hindi na muling nagkita sina Joey at Mike. Abril 8 ay nagkasakit na ang Unang Ginoo, at nanatili sa St. Luke’s hanggang unang linggo ng Mayo. Sa panahong ito, nanatili sa kanyang tabi si Pangulong Arroyo, na, ayon sa mga ulat, halos ilipat na umano ang Malakanyang sa ospital. Kung nasaan ang asawa, doon nagtrabaho ang Pangulo. Ganoon kahalaga sa kanya si Mike. Sulit ang P21,000-kada-gabi na bayad sa kuwarto ng Unang Ginoo. Pero kinailangang pumunta sa Boao, China si Arroyo noong Abril 19. Hindi puwedeng mawala roon ang Pangulo, dahil nakatakdang magpirmahan ang gobyerno ng Pilipinas at China sa limang kasunduang pang-ekonomiya. Kasama sa mga iyon ang paglagda sa kontrata ng DOTC (Department of Transportation and Communication) at ZTE sa tumataginting na halagang US$329,500,000. Hindi pa natutuyo ang tinta sa nilagdaang kontrata, bumalik si Pangulong Arroyo sa Pilipinas, Abril 21. Diretso siya sa St. Luke’s, ayon sa Malakanyang, para masaksihan ang pag-discharge kay Mike. Marahil, para magkuwento sa nagrerekober na Unang Ginoo hinggil sa pirmahan ng kontrata sa China. Malaking tulong iyon, marahil, sa pagpapagaling ni Mike Makapangyarihang Unang Ginoo Lahat ng nakikipag-ugnayan sa Malakanyang -- mula pulitiko hanggang negosyante -- ay nagsasabing isa si Mike Arroyo sa pinakamakapangyarihan sa Palasyo. Paliwanag ni dating Presidential Chief of Staff Mike Defensor, kahit na walang katungkulan sa gobyerno ang Unang Ginoo, nakikinig ang Pangulo sa kanya. Mahalaga, kundi man pinakamahalaga, ang opinyon ni Mike Arroyo sa Pangulo. Pero, simula't sapul nang maupo si Arroyo sa puwesto, naging target na ng mga batikos ang asawa. Lagi kasing nasasangkot ang Unang Ginoo sa samu't saring kaso ng korapsiyon at aregluhang pulitikal. Damay lagi ang administrasyon. Alam ito ni Arroyo. Ito marahil ang dahilan kung bakit, noon pa mang 1992 nang maging senador siya, hanggang sa kasalukuyan, hindi idinedeklara ng Pangulo sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth ang mga ari-arian ng kanyang asawa. Kabilang dito ang mga pag-aari sa San Francisco na binili sa pamamagitan ng kanyang kumpanyang LTA Realty Corp. Nagkakahalaga iyon diumano ng humigit-kumulang $7Milyon. Depensa ni Mike, binili raw niya ang mga pag-aari para sa kanyang kapatid na si Ignacio “Iggy” Arroyo. Noong Mayo 2003, isiniwalat naman ni Sen. Edgardo Angara ang paghingi ng ilang opisyal ng Piatco (Philippine International Air Terminals Co.) ng $20-M suhol diumano sa Fraport, isang kompanyang Aleman na may 30% pag-aari sa konstruksiyon ng Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport. Kabilang sa nasasangkot ay si Alfonso Liongson, isang public relations consultant at kilalang kasosyo ng Unang Ginoo. Inakusahan ang Piatco ng paglalabas ng milyun-milyong piso para ibigay kay Liongson. Ginamit din diumano ito ni Liongson para manuhol sa mga opisyal ng gobyerno. Noong 2003, binawi ni Pangulong Arroyo ang kontrata. Hindi pa rin magamit ang itinayong terminal. Noong Agosto 18, 2003, inakusahan ni Sen. Panfilo Lacson ang Unang Ginoo ng paggamit ng Jose Pidal Account para magtago ng P321-M pondo sa kampanya ni Arroyo sa halalang 2004. Sa pagkakataong ito, at tila kapalit sa pag-ako ng Unang Ginoo sa pag-aari ni Iggy sa San Francisco, inihayag naman ni Iggy na pag-aari niya ang depositong Jose Pidal sa bangko. Kaibigan at kaanak Kung hindi kaanak, madalas na nasasangkot sa mga kuwestiyonableng usapin ang malalapit na kaibigan ni Mike. Nariyan si Jocelyn “Joc-Joc” Bolante, dating agriculture undersecretary, kaklase ni Mike sa Ateneo de Manila at katoto sa Rotary Club District 3830. Noong Mayo 2004, naisiwalat sa midya na kumuha ng P728-M si Bolante mula sa programang Ginintuang Masaganang Ani para gamitin sa kampanya ng Pangulo sa halalan -- sa porma ng development assistance sa mga lokal na yunit ng gobyerno. Tumakas si Bolante at sa kasalukuyan ay nasa Amerika. Samantala, noong Marso 2005, inakusahan si Mike bilang “waldas-salapi.” Diumano, nag-check-in siya sa isang suite na nagkakahalaga ng $20,000-kada-gabi sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas, Nevada, para manood ng laban nina Manny Pacquiao at Erik Morales. Ayon kay Arroyo, ipinagamit sa kanya nang libre ang suite at hindi maituturing na “suhol”. Ang isa sa pinakaseryosong pagkakasabit ni Mike at ng kanyang mga kaanak ay ang sa suhol sa jueteng. Noong Mayo 2005, sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa ilegal na sugal, itinuro ng ilang jueteng operator at bagmen si Mike, ang anak niyang si Mikey, at si Iggy, na tumatanggap ng buwanang suhol na mula P500,000 hanggang P1-M. Pinaimbestigahan ng Pangulo ang asawa at anak sa Department of Justice, na hanggang sa ngayo'y hindi naglalabas ng ulat, kung nag-imbestiga nga ito. Balat-sibuyas Sensitibo si Mike sa mga isinusulat at inihayag hinggil sa kanya sa midya. Kung kaya, nang pumutok ang mga alegasyong ito, isa-isa niyang sinampahan ng libelo ang mga mamamahayag na nag-ulat hinggil sa mga kaso. Mula 2003 hanggang 2006, nagsampa ang Unang Ginoo ng 10 kasong libelo kontra sa 46 mamamahayag. Kabilang dito ang mga manunulat at patnugot ng magasing Newsbreak, na nag-ulat hinggil sa mga pag-aari ni Mike; mga manunulat at patnugot ng pahayagang Tribune at Malaya, na nagsulat hinggil sa akusasyon ng kampo ng kandidato sa pagkapangulo na si Fernando Poe Jr. na si Mike diumano ang nangangasiwa ng pandaraya sa halalang 2004; at ang kolumnistang si Ramon Tulfo at mga patnugot ng Philippine Daily Inquirer, na nagsulat ukol sa pagkakasangkot ni Mike sa ismagling. Para sa National Union of Journalists of the Philippines, ginagamit lamang ni Mike ang batas sa libelo para takutin ang mga mamamahayag na bumabatikos sa kanya. “Ang mga habla ay presyur sa midya para manahimik at matakot,” sabi naman ni Ellen Tordesillas, kolumnista ng Malaya at isa sa mga inihabla ni Mike. Noong Agosto 2006, kagagaling pa lamang ni Tordesillas sa chemotherapy dahil sa kanser, pero kinailangan niyang humarap sa korte. Matapos maoperahan ni Mike noong Abril 2007, tila naliwanagan umano siya. Nais umano niyang makipagkasundo sa mga nakabangga. “Dahil nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay, nagdesisyon akong patawarin ang lahat ng nanakit sa akin. Hindi na ako interesadong ituloy ang mga kaso,” deklara ni Mike matapos ma-discharge sa St. Luke’s. Tila nais ni Mike na magpakita ng bagong imahe bilang mapagpatawad na tao, kaiba sa mga nababasa at naririnig hinggil sa kanya sa midya. Pero hindi naniniwala ang mga mamamahayag na inihabla niya. “Ang pagpayag sa mga walang batayang pagsasampa ng kaso, kasunod ng pag-aatras ng kaso sa layaw ng complainant, ay pagpayag na gamitin ang mga korte para takutin ang mga mamamahayag…” sabi ng mga patnugot ng Newsbreak. Hindi tinanggap ng mga mamamahayag ang pag-atras ni Mike sa kaso. Samantala, sa pagkakadawit muli ni Mike sa pananakot diumano kay Joey de Venecia at panunuhol daw ng ZTE sa mga miyembro ng gabinete at opisyal ng Malakanyang, nagdadalawang-sisip ang mga senador na ipatawag ang Unang Ginoo sa imbestigasyon dahil sa kalusugan niya. Baka sa grabeng stress, ani Sen. Alan Peter Cayetano, ay muling atakihin ng sakit. Lumipad ng Hongkong si Mike bago magsimula ang imbestigasyon ng Senado. Ayon kay Tordesillas, nakatakdang tumungo si Mike ng Europa para asikasuhin ang iba pang “negosyo”. Sa kabila ng pagmamakaawa ng Malakanyang sa “bulnerableng katayuan” ni Mike, muling nahahantad sa sambayanan ang dating imahe ng Unang Ginoo: makapangyarihan, asal-gangster, pero bahag ang buntot sa imbestigasyon. PW
Sa ika-20 anibersaryo ng pagpaslang kay Lean Alejandro, marapat na parangalan ang isang lider na buong-tatag na namuno sa panahong nagsasalimbayan ang mga ideya ng pagsusulong ng kilusang mapagpalaya. KENNETH ROLAND A. GUDA YAKAP ang pagpapaalam ni Leandro “Lean” Alejandro, 27, pangkalahatang kalihim ng Bayan sa mga kasamahan sa Bayan (Bagong Alyansang Makabayan) noong Setyembre 19, 1987. Uuwi na siya, wika niya, habang nagrerelaks ang ilang taga-Bayan sa opisina nito sa New Manila, Quezon City. Katatapos lamang ng isang press conference. “Nagkukulitan na kami noon,” kuwento ni Rita Baua, noo'y kawani ng isa sa mga komisyon ng Bayan. Ilang minuto lamang pagkalabas ni Lean, kasama ang dalawa pa, nakarinig sina Baua ng sunud-sunod na putok. “May nagkumand -- hindi ko na maalala kung sino -- ng 'Dapa!,” ani Baua. Ilang minuto pa, nagkagulo na sa labas. Nagsisigawan na: “Saklolo! Si Lean! Binaril si Lean!” Matindi ang dalamhati at pagkabalisa sa buong opisina ng Bayan, alaala ni Baua. Lider at tinig ng buong progresibong kilusan ang pinatay ng mga hinihinalang paksiyon na “makakanan” ng rehimeng Aquino. Pinatay si Lean sa ilalim ng gobyernong tinulungan niyang maluklok. Pamumuno sa kabataan at bayan “Alam naman ni Lean ang mga panganib,” sabi ni Baua. Pero buong-tapang niyang niyakap ang pamumuno. Paboritong pa niyang sabihin: “The place of honor is in the line of fire.” Naging aktibista si Lean sa UP Diliman. Sa maagang bahagi ng batas militar hanggang 1980, ipinasara ni Marcos ang konseho, ang pahayagang Philippine Collegian at mga organisasyong pangkampus. Noong 1983, nagsisimula pa lamang na muling bumangon at lumakas ang kilusang estudyante, naging tagapangulo si Lean ng UP Student Council. Pinangunahan niya ang di-mabilang na demonstrasyon ng kabataan laban sa diktadura. Hindi natapos ni Lean ang pag-aaral sa UP. Noong 1985, isa siya sa mga nagtatag ng Bayan, sentro ng kilusang kontra-diktadura sa bansa. Sa unang kongreso nito, nahalal si Lean bilang pangkalahatang kalihim. Nahalal na tagapangulo ang dating Senador Lorenzo Tañada. “Noon,” kuwento ni Baua, “anlaki ng komposisyon ng Bayan. Umabot sa 50 ang mga komisyon nito. Napagkaisa nito ang iba't ibang tradisyunal na pulitikong kontra kay Marcos. Bilang pangkalahatang kalihim, malaki ang naging tungkulin ni Lean sa pagtitipon ng mga alyado.” Sa huling bahagi ng 1985, nanawagan si Marcos ng snap elections sa Pebrero 1986. Tinuligsa ito ng Bayan bilang isang “mapanlinlang” na hakbang para manatili sa poder ang diktador. Marami sa mga pulitikong kaalyado ng Bayan ang dumistansiya sa kanila dahil sa posisyong ito. Halos mag-isa lamang na ikinampanya ng Bayan ang pagboykot ng eleksiyon. Sa mga pagtatasa ng Bayan matapos ang halalan at unang pag-aalsa sa Edsa, napagkaisang nagkamali ito sa pagboboykot. Si Lean ang nagsilbing boses ng kampanyang boykot. “Kung may duda man siya sa posisyong boykot, hindi niya sinabi ito. Ipinatupad niya ang desisyon,” paliwanag ni Baua. Lumahok ang Bayan sa pag-aalsa sa Edsa, pero di bilang nangungunang organisasyon. “Isang araw pagkatapos (mapatalsik si Marcos), tahimik sa opisina ng Bayan. Sabi namin, 'paano iyan, wala na ang kalaban natin?'” ani Baua. Niyakap ang panganib Pero di nagtagal, natanto rin ng mga aktibista na hindi lamang si Marcos ang kalaban. Sandaling sinuportahan ng Bayan ang gobyernong Aquino matapos mapatalsik si Marcos noong Pebrero 1986. Pero di nagustuhan ng ilang grupo sa loob ng rehimen ang suporta kay Aquino ng “Kaliwa.” Ipinapanawagan kasi ng Bayan ang tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon - taliwas sa interes ng malalaking negosyanteng tali sa dayuhang interes. Matapos ang kudeta ng ilang paksiyon sa militar, unti-unting tinalikuran ni Aquino ang mga grupong tulad ng Bayan. Batid ni Lean na tumitindi ang bigwas ng rehimen sa mga tulad niya. Noong Nobyembre 14, 1986, pinaslang si Rolando “Ka Lando” Olalia, tagapangulo ng Kilusang Mayo Uno, at ang kasamahan niyang si Leonor Alay-ay. Noong Enero 22, 1987, 13 nagpoprotestang magsasaka ang minasaker sa Mendiola. Matingkad ang tapang ni Lean. Isang imahe na di maalis sa isipan ni Baua ay ang Lean na matangkad at payat, nakatsinelas, mag-isang humaharang sa pulutong ng mga pulis na nakaumang na sumalakay sa kilos-protesta. “Nang makita ko iyon, sabi ko 'Wow', matapang ito.” Sa pagtindi ng atake sa mga militante, naging alerto na rin si Lean sa seguridad. Lagi siyang may buddy. Maingat sa mga gamit ng Bayan. Pero alam niya, anumang pag-iingat, kapag naging target siya, mahirap umiwas sa bala. Luksang parangal Aabot sa 100,000 ang nagmartsa sa libing ni Lean. Pangalawa ito sa pinakamalaking martsa, matapos ang martsa para kina Olalia at Alay-ay. Mula UP Diliman, dumaan ang martsa sa Mendiola, lugar ng di-mabilang na demonstrasyong pinamunuan ni Lean. Dumulo sa Navotas, bayang sinilangan ni Lean. Minsang tumakbo bilang kinatawan sa Kongreso si Lean, kalaban ni Tessie Aquino-Oreta. Para kay Baua, bukodtanging lider si Lean. Magaling magsalita, mahilig magbasa. Pero higit sa lahat, napakagaling makisama. “Mahilig siyang yumakay,” ani Baua. Ito ang trademark niya -- niyayakap niya ang bawat kasama na nakikilala, niyayakap niya ang mga pinagpapaalaman. Sinsero siyang makipag-usap. Lahat ng nakatrabaho ni Lean, siguradong nakakaibigan niya, mula sa mga kapwa kabataan sa pamantasan at maralita sa Navotas hanggang sa mga prominenteng alyado. Marapat ding yakapin, at yakaping mahigpit, ng kasalukuyang henerasyon ang alaala ni Lean. Setyembre 19, 2007
Dalawang desaparecido ang lumutang, at nagpatotoo na militar ang dumudukots mga aktibista. May bisa kaya ang writ of amparo, na sagot ng Korte Suprema sa pagtanggi ng militar? KENNETH ROLAND A. GUDA Makulimlim ang langit nang magmartsa ang mga kaanak ng biktima, katulad ng nararamdaman ng bawat isa: Parang sasabog sa galit sa sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay. Unti-unti, pagdating nila sa Liwasang Bonifacio, pumatak ang ulan. Di kalauna’y bumulwak na ang kimkim na ngitngit. Pandaigdigang Araw ng mga Nawawala iyon, Agosto 30. Sa pagdami nila, lalong lumilinaw ang katotohanang ang militar at gobyernong Arroyo ang nasa likod diumano ng mga pagdukot. Pinakahuling nagpatunay ang magkapatid na Reynaldo at Raymond Manalo nitong Agosto 23 matapos makatakas sa Philippine Army. Sa paghingi ng proteksiyon sa Korte Suprema, inilahad ng kanilang mga abogado ang kanilang dinanas. Kinumpirma rin ng dalawa na nasa kamay pa ng militar sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan, mga kabataang aktibista na dinukot noong Hunyo 26, 2007. Dukot Sina Reynaldo at Raymond ay tahimik na magsasaka sa Burol na Manga, San Ildefonso, Bulacan. Pero ang kapatid nilang si Roberto ay dating NPA (New People’s Army). Noong Pebrero 14, 2006, isang pulutong ng Cafgu (Citizens Armed Forces Geographical Unit) ang pumunta sa bahay nila. Puwersahang kinuha ang dalawa at isinakay sa sasakyang minamaneho ni Rollie Castillo, isang sundalong nagsesermon sa kanilang barangay hinggil sa “kasamaan ng komunismo” at para magrekrut ng magiging Cafgu. Dinala ang dalawa sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija. Sa salaysay ni Raymond, nakilala niya ang iba pang dumukot sa kanila: mga kilalang Cafgu sa kanilang lugar, sina Michael dela Cruz, Madning dela Cruz, Randy Mendoza, Rudy Mendoza at ang kambal na sina “Puti” dela Cruz at “Pula” dela Cruz. “Nalaman kong sa Fort Magsaysay ito dahil nakatakas ako…at nakapagtanong sa mga tao sa labas,” sabi ni Raymond sa kanyang sinumpaang salaysay. Isang araw matapos makatakas, nahuli siyang muli. Sa loob ng tatlo at kalahating buwan, naging malikhain ang mga sundalo sa pagtortyur sa kanila. Isa sa pinakamalupit, ayon kay Raymond, ang pagpapahiga sa kanila at pagbuhos ng tubig sa mukha araw-araw, gabi-gabi. Parang nalulunod sila. Matapos ng mahigit tatlong buwan sa Fort Magsaysay, palipat-lipat na sila. Tila inilalayo sa kung sinumang naghahanap. Mula Nueva Ecija, dinala sila sa isang detatsment ng Army sa Pinaud, San Ildefonso, Bulacan. Matapos nito, sa Sapang, San Miguel, Bulacan naman. Di nagtagal, sa Kampo Tecson, San Miguel. Tapos, sa isang kampo ng 24th Infantry Battalion sa Limay, Bataan. Mula dito, inilipat sila sa isang safehouse sa Zambales. Matapos ang tatlong linggo, ibinalik sila sa kampo sa Limay, at sa isa namang safehouse sa Pangasinan. “Nagbanta si Rollie Castillo, na kung kami ay tumakas, imamasaker ang pamilya ko,” ani Raymond. Kaharap si ‘Lolo’ Sa kampo ng 24th IB, humarap sa kanila ang isang pamilyar na mukha. May katandaan, payat, maitim. Matulis ang mga kilay at matalim maningin. Nakita na nila ang mukhang iyon sa telebisyon. Hindi nila malilimot ang mukha ni Hen. Jovito Palparan. Pinagbantaan ni Palparan ang mga kaanak ng magkapatid na aktibong naghahanap sa dalawa. Isa ang pagkawala nina Reynaldo at Raymond sa mga idinulog na kaso sa Permanent People’s Tribunal sa The Hague, The Netherlands noong Abril 2007. Sa tribunal na ito, simbolikong nahatulang maysala ang Armed Forces of the Philippines at si Pangulong Arroyo. “Sinabi ni Palparan na sabihan ko sina Nanay na huwag sumali sa mga rali at mga grupong makakarapatang pantao,” ani Raymond. Samantala, sa isa sa mga pinagkulungan sa kanila – hindi malinaw kung sa Kampo Tecson sa Bulacan, sa Limay, Bataan o sa Zambales – nakita at nakausap ng magkapatid sina Karen at Sherlyn. “Nakita namin kung paano sila saktan,” salaysay ni Raymond. Nakasama at nakausap din ng magkapatid ang magsasakang nahuling kasama nina Sherlyn at Karen, si Manuel Meriño. Isang gabi, dinala si Manuel sa di-kalayuang lugar. “Mamayang kaunti, patay na si Manuel at sinisilaban na,” ani Raymond. Hindi na makatiis, pinlano ng magkapatid ang pagtakas sa safehouse sa Pangasinan. Isang gabi nitong Agosto, lasing ang mga bantay ni. Nakatakas sila at dumiretso sa haywey. Sumakay sila ng bus patungong Cubao. Writ of amparo Sa tulong ng mga kaanak, nakakontak ang dalawa sa Flag (Free Legal Assistance Group), na siya namang nagsumite ng apela sa Korte Suprema. Walang tiwala ang dalawa sa Witness Protection Program, dahil mga pulis, kundi man militar mismo, ang “magpoprotekta” sa kanila. Napag-alaman nila ang tunay na pangalan ni Rollie Castillo. Ayon sa mga ulat sa midya, siya si M/Sgt. Rizal Hilario, malapit na tauhan ni Palparan. Malamang na nasa kamay pa niya sina Sherlyn at Karen. Nag-aalala naman ang mga kaanak na kabilang sa grupong Desaparecidos: Sino ang sasaklolo kina Sherlyn at Karen? “Sino ang may kapangyarihang ibalik sila sa kanilang pamilya? Sino ang titiyak na wala na uling madudukot at mawawala sa atin o sa mga mahal natin sa buhay? Nasaan ang rule of law?” tanong ng grupo. Isa sa mga inaasahang makakasagot sa mga ito ang panukalang writ of amparo na kasalukuyang ginagawan ng borador sa pagpapatupad ng Korte Suprema. Sa writ of amparo, ani Chief Justice Reynato Puno, hindi na uubrang simpleng itanggi ng militar na hawak nila ang mga nawawala. Binibigyang kapangyarihan nito ang mga kaanak na maghanap sa mga kampo, safehouse, detatsment at mga deklaradong instalasyon ng militar. Malaking katanungan sa Desaparecidos, gayunman, kung susundin ng militar ang writ of amparo. Maaari kasing itago ang mga sinukot sa mga lugar na di-idinideklarang lugar ng militar. Sa kasalukuyan, pinag-aaralan pa ng grupo kung paano sasaklolohan sina Sherlyn at Karen, ang 60 iba pang nawawala sa Gitnang Luzon at 184 na nawawala sa buong bansa. Umaasa ang mga kaanak ng mga dinukot na malalaman din nila ang katotohanan sa pagkawala ng mga mahal nila sa buhay. At papanagutin ang mga tulad nina Hilario, Palparan -- at maging si Pangulong Arroyo. Setyembre 4, 2007
Sinisisi ng gobyerno ang mga maralita sa pagtindi ng baha. Pero ayon sa mga eksperto, kainutilan ng gobyerno ang dahilan kung bakit ang mga mamamayan ay sinasalanta ng baha. KENNETH ROLAND A. GUDA / SOLIMAN A. SANTOS PARA sa mga taga-Malabon at Navotas, at ilan pang lugar sa Kamaynilaan na madalas na binabaha, di maubos-maisip ang senaryong ipinipinta ni Chairman Bayani Fernando ng MMDA (Metro Manila Development Authority): “Wala nang baha sa Kamaynilaan sa susunod na taon.” Malakas ang loob ni Fernando. Noong katindihan ng bagyong “Egay,” nangako si Pangulong Arroyo ng P256 Milyong karagdagang pondong laan sa baha sa Kamaynilaan. Sapat ang pondo, paniguro ni Fernando, para matapos ng MMDA ang Camanava (Calookan, Malabon, Navotas at Valenzuela) Flood Control Project at modernong pumping station sa kanluran ng Manggahan, Quezon City. Kabilang sa tinatapos na mga proyekto sa Camanava ang mga pumping station sa Catmon sa Malabon, Bangkulasi sa Navotas, at mga dike sa hangganan ng mga nasabing munisipalidad. Kasabay ng mga proyektong ito, idineklara ng MMDA na paiigtingin ang kampanya laban sa mga nagtitinda at naninirahan sa mga bangketa ng Kamaynilaan na siyang “nagtatapon ng basura na bumabara sa ating mga kanal.” Dahil dito, kumpiyansa si Fernando na mabubura na ang “baha” sa bokabularyo ng Manilenyo sa susunod na taon. Hindi maiiwasan ang baha Pero hindi kumbinsido si Dr. Candido Cabrido Jr., dekano ng Surp (School of Urban and Regional Planning) sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman at ekperto sa flood control. Suntok sa buwan ang pagsasabing mapapawi ang isang penomenong nararanasan ng lahat halos ng lungsod at sentrong bayan sa buong mundo. “Karamihan ng mga lungsod ay nasa flood plane area na malapit sa mga port kung saan nagsimula ang mga sibilisasyon,” paliwanag ni Cabrido. Kadalasang itinatatag ang mga sentrong bayan sa mabababang lugar na malapit sa dagat. Hindi kaiba rito ang Kamaynilaan. Katunayan, hindi rin maiiwasan kung ang ilang bahagi ng lungsod ay mababa pa sa sea level. “Tulad ng Malabon at Navotas – below sea level ang mga iyan, sabi pa ni Cabrido. Halimbawa rin ang maraming bayan ng Pampanga, na labis na naapektuhan ng matinding buhos ng ulan ni “Egay.” Natural umanong sa todong lakas ng ulan, mapupuno ng tubig ang mabababang lugar. Lalong lumalabas na suntok sa buwan lamang ang deklarasyon ni Fernando sa harap ng penomenon ng malubhang pagbabago sa klima (climate change). Inaasahang titindi ang ulan sa hinaharap, ani Cabrido, dahil sa global warming (pag-init ng mundo) na dulot naman ng polusyon. “Puro palliatives lamang iyang solusyon (ng MMDA),” sabi ni Cabrido. Hindi umano tinutugunan ng programang flood control ng gobyerno ang ugat ng matinding pagbaha. Paliwanag niya, ang dapat tuunan ng pansin ng anumang seryosong programang pagkontrol sa baha ay ang preserbasyon ng mga watershed – mga bundok na malapit sa lungsod na sumasalo sa ulan. Kung makapal pa ang gubat sa bundok, mas kaya nitong sumalo ng tubig. At mula sa bundok, aagos ang tubig ng ulan sa ilog – ang tinaguriang natural drainage o likas na daluyan ng tubig. Pagkatapos, dadaan ito sa maliliit na ilog o mga tributary sa flood planes (na kadalasan ngang mga lungsod at sentrong bayan) hanggang makarating sa dagat. Kung walang bara ang natural na drainage o ilog, didiretso sa dagat ang tubig-ulan. Pero kung may mga nakatira malapit sa ilog, madalas na natatapunan na ito ng basura at dumi. “Maraming subdivision ngayon ang malapit sa mga ilog (sa Antipolo, Rizal at Bulacan, halimbawa)… (at) nagiging tapunan ng basura (na bumabara sa mga ilog),” paliwanag pa ni Cabrido. Sa pag-apaw ng tubig sa mga ilog, nagaganap ang flash floods. “Lumalala ang baha sa mga lungsod kung hindi maayos ang pagkontrol dito,” ani Cabrido. Kasama sa dapat inaayos ang artipisyal na drainage, tulad ng mga kanal, ditch, at dike. Lumalala ang baha kung napupuno ng basura ang mga kanal, o kaya’y hindi maayos ang pagkakagawa. Sa panahon ng emergency, kailangang kaya ng mga diversion channel at pumping station na bawasan ang baha. Ito ang pinagtutuunan ng pansin ng MMDA – ang mga hakbang para mabawasan ang baha -- sa panahong nariyan na ang baha. “Dapat i-address talaga ang mismong pinagmumulan nito, mula sa mga watershed hanggang sa mga ilog at tributary hanggang sa flood plane,” diin ni Cabrido. Ang masa kasi Dahil marahil sa “makitid” na hurisdiksiyon ng MMDA, makitid rin ang kanilang unawa at pagtugon sa problema ng baha.
Ayon kay Baltazar Melgar, hepe ng Flood Control and Sewerage Management ng MMDA, hindi dapat sisihin ang ahensiya. Sa halip, sinisisi ni Melgar ang mga “iskuwater” o mga maralitang tagalungsod. Ang mga maralita umano ang dahilan kung bakit hindi epektibo ang kanilang mga proyekto sa baha. Dapat aniyang itapon ng 13 milyong residente sa Kamaynilaan ang kanilang basura sa tamang lalagyan. Dapat ding higpitan ng mga lokal na pamahalaan ang pagbabawal sa mga iskwater lalo na sa mga bangketa. Kahit matindi umano ang isinagawang information drive ng MMDA para malaman ng mga maralita ang kahihinatnan ng iresponsableng pagtatapon ng basura, “Hindi namin maintindihan kung bakit pumapasok sa isang tainga at lumalabas sa kabila ang aming (ipinapaliwanag).” Hirap ang MMDA na ipatupad ang polisiya ng koleksiyon ng basura. “Dahil ba sa matigas ang ulo (nila)?” himutok ni Melgar. Pero dahil sa karagdagang pondo, inaasahan ni Melgar na magbabago na ito. Pinagkukunutan din ng noo ng kanyang opisina at ng Sidewalk Clearing Operations Group ng MMDA ang mas sistematikong pagdedemolis sa mga barung-barong at “ilegal na istruktura” sa mga kalsada. Nababahala naman ang mga environmentalist ng Kalikasan –People’s Network for the Environment, kalipunan ng mga tagapagtaguyod ng kalikasan. Ayon kay Clemente Bautista, pambansang tagapag-ugnay nito, hindi dapat sinisisi ng MMDA ang mga maralita. Bahagi ng mas malaking problemang panlipunan ang mga maralitang ito – ang kahirapan sa kanayunan – kung kaya napipilitan silang makipagsiksikan sa lungsod. Sang-ayon din si Cabrido na hindi dapat sisihin ang mga maralita. “Kailangan ng seryoso at maayos na relokasyon sa kanila,” aniya. Isa ito sa mga hindi nagagawa ng MMDA matapos ang di-mabilang na demolisyon sa Kamaynilaan. Ngunit higit pa rito, ani Cabrido, dapat magagap ng MMDA at ng pambansang gobyerno ang esensiya ng problema ng baha. “Simple lang ang solusyon, pero kailangan ng political will.” Limang-puntong solusyon Matagal na umanong iminumungkahi ng Surp ang komprehensibong pagtugon sa problema ng baha. “Di kapareho ng ibang ng mga disaster gaya ng pagputok ng bulkan o lindol, baha lamang ang disaster na maaaring makontrol,” ani Cabrido. Masusuma sa limang puntos ang mungkahi ni Cabrido: (1) proteksiyon ng mga watershed; (2) tamang agrikultura; (3) tamang solid waste disposal; (4) ecological solid waste management; at (4) pagpapaunlad ng flood forecasting. Sa mga watershed, idinidiin ni Cabrido ang proteksiyon ng kagubatan. Sa La Mesa watershed, halimbawa, dapat manatili ang makapal na forest cover, hindi lamang para sa turismo, tulad ng ikinakampanya ng isang istasyon ng telebisyon, kundi para maibsan ang baha. Mahalaga rin ang praktika ng agrikultura na hindi nakakasira sa kagubatan. Dagdag pa ni Cabrido, kailangang mantinihin ang di-bababa sa 20% greeneries, o mapupunong lugar, sa mga lungsod at bayan. “Sa ngayon, maraming bahagi ng Kamaynilaan ang mababa na sa 20% ang greeneries. Sa Pateros, halimbawa, halos wala nang greenery. Pati Manila.” Kailangang gawin ang pangatlo at pang-apat na puntos sa mga lugar na malapit sa ilog at sa mga lungsod. Paliwanag ni Bautista ng Kalikasan, hindi matatambakan ng basura ang mga estero kung episyente ang pangongolekta ng basura. “Sa usapin ng basura, 85% lamang ang nakokolekta, 75% nito ang naitatapon sa mga dumpsite at yung 25% ang napupunta sa mga estero, sapa at ilog,” ani Bautista. “Sa buong Metro Manila, 5% lang ang may maayos na sewerage system.” Sapat na ang 25% ng hindi nakokolektang basura para magbara ang mga paglalagusan sana ng tubig. At sa mahabang panahong hindi nalilinis ang mga lagusan, naiimbak ang basura. Sa panglimang punto, ipinaliwanag ni Cabrido ang labis na pagkukulang. Sa lawak ng karanasan natin sa baha, katakatakang nangangapa pa rin ang gobyerno. Matitinding aral ang mga trahedyang dulot ng baha, pero mukhang ang gobyerno ang matigas ang ulo. “Walang sistematikong data collection ang gobyerno hinggil sa baha, na madali lamang magawa,” ani Cabrido. Kailangang malaman ang 50-taong kasaysayan sa baha ng lugar, partikular ang sumusunod: (1) ano ang mga lugar na bahain; (2) kailan bumabaha; (3) lalim ng baha; (4) gaano katagal; (5) gaano kalawak ang pinsala – mga namamatay, nagkakasakit at pinsala sa produktibidad ng komunidad dahil sa baha. Sa ngayon, konsuwelo-de-bobo lamang ang ginagawa ng gobyerno para makontrol ang baha. Ang masama pa, ani Cabrido, inilalaan ang manipis na ngang pondo para sa pagtugon sa kalamidad kung nariyan na – tulad ng pagmantine ng 14 na pumping station. Mas mabuti sana kung ang P256-M ng MMDA ay inilalaan para sa limang-puntong solusyon, hindi lamang sa mga pumping station, ani Cabrido. Sa katindihan ng pagbaha sa ilang bahagi ng Quezon City, inianunsiyo ni Arroyo ang nasabing pondo. Mistulang ginamit pa ang kalamidad para ipagyabang ng Pangulo ang simpatiya sa mga nasalanta ng baha – nagpalitrato pa siya na tumatawid sa baha. Para kay Bautista, malabong matanaw natin sa susunod na taon ang wakas ng mga baha. Mas malamang, lalala pa. At ang paglubha ng baha ay repleksiyon lamang ng tiwaling pamamahala at maling prayoridad ng gobyernong Arroyo.
Tatlong babaing aktibista na nakabase sa US ang bumisita sa Pilipinas, pero ayaw paalisin ng gobyernong Arroyo. Sinasampolan na ba sila ng Human Security Act? Kenneth Roland A. Guda ANO ang pagkakatulad ni Osama bin Laden sa mga aktibistang sina Dr. Annalisa Enrile, Judith Mirkinson at Ninotchka Rosca? Wala. Pero para sa gobyernong Arroyo, mayroon: Lahat sila, katunayan, ay “may koneksiyon sa Al-Qaeda at Taliban.” Lahat sila ay nasa watchlist ng BID (Bureau of Immigration and Deportation). Bawal silang pumasok sa Pilipinas. Pero dahil nakapasok na nga, ayaw na silang paalisin. Sa pantasya ng gobyerno, may koneksiyon sila sa binabansagang teroristang mga grupo. Kaya malamang, may gagawin silang “terorismo” sa bansa. Bago pa man inilabas ang naturang watchlist noong Hulyo 24, dumating na si Enrile sa bansa para pangasiwaan ang isang programang akademiko ng ilang gradwadong estudyante ng University of Southern California. Si Enrile ay propesor ng Social Work doon. Sina Mirkinson at Rosca naman, na kasabay niyang dumating, ay dadalo sa Women’s International Solidarity Affair in the Philippines na inorganisa ng Gabriela at Gabriela Network-USA o Gabnet. Noong Agosto 5, pauwi sa US, pinigil ng BID si Enrile na makasakay sa eroplano patungong Amerika, kung saan nakatira siya bilang US citizen sa California. Isang impormanteng ayaw magpakilala ang nagpakita sa PINOY WEEKLY ng kopya ng naturang watchlist ng BID. Sa kabuuan, 503 ang nasa listahan: mula kay Bin Laden hanggang sa ilang prominenteng personaheng dayuhan. Kasama roon sina Enrile, Mirkinson at Rosca, pawang mga lider ng Gabnet. Nasa bungad ng dokumento ang pamagat na “With links to Al-Qaeda / Taliban.” Kapansin-pansing kabilang sa mga “terorista” ng naturang listahan ang ilang prominenteng aktibistang pangkarapatang pantao sa iba’t ibang bahagi ng mundo. GMA, ayaw mapahiya sa daigdig? “May karapatan ang gobyerno na maglabas ng watchlist,” sabi ni Gabriela Rep. Liza Largoza-Maza, “pero bakit kasama sina Enrile, Mirkinson at Rosca?” Wala naman umanong rekord ang tatlo na maituturing na “teroristang aktibidad.” Noong Mayo 2006, pinangasiwaan ng tatlo ang imbestigasyon ng ilang babaing Amerikanong abogado hinggil sa mga ulat ng paglabag sa karapatang pantao ng gobyernong Arroyo. Kabilang sa nag-imbestiga sina Tina Monshipour Foster, Rachel Lederman, Merrilyn Onisko, Vanessa Lucas at Jill Soffiyah Elijah. “Napapahiya na ang gobyernong Arroyo sa international community,” paliwanag ni Rita Baua, international officer ng Bagong Alyansang Makabayan, isa sa mga tumatanggap sa mga dayuhang bisita na gustong makaalam sa tunay na kalagayan ng Pilipinas. “Kakatwang gobyernong US pa ang unang nagtulak sa gobyernong Arroyo na gumawa ng listahan. Ngayon, citizen nila (Enrile at Mirkinson) ang nabibiktima.” Sa tatlo, tanging si Rosca, premyadong manunulat at mamamahayag, ang mamamayang Filipino, bagamat permanent resident na siya ng US. Noong Disyembre 2006, Summit ng Asean (Association of Southeast Asian Nations) sa Cebu, naglabas ang BID ng listahan ng mga “undesirables,” o mga dayuhang hindi maaaring pumasok sa bansa. (Isa si Brian Campbell, prominenteng abogado sa paggawa sa US, sa mga idineport ng BID. Ayon kay Campbell, pinakitaan siya ng BID ng listahan ng 459 kataong di maaaring pumasok sa bansa noong panahong iyon.) Kasama sa listahan ang ilang dayuhang nakilahok sa mga imbestigasyon hinggil sa pampulitikang panunupil sa Pilipinas. Kabilang dito sina Enrile, Mirkinson at Rosca; ilang abogadang Amerikano; at ilang Pilipino-Amerikanong aktibista, tulad nina Sierra Ortiz ng Gabnet at Joanne Alcantara ng Bayan-USA. HSA na nga ba? Sa pakikipag-usap ng Gabnet sa embahada ng Pilipinas sa US, napag-alamang wala ang naunang listahan matapos ang Asean Summit. Ngunit kinumpirma ng BID na ibinalik ang listahan, at dinagdagan pa ng pangalan. At kung noong Disyembre’y watchlist lamang ito, ang listahang inilabas noong Hulyo 24 ay listahan diumano ng mga may koneksiyon sa mga teroristang grupo. Hindi mapigilang maisip nina Enrile na bahagi na ng implementasyon ng HSA (Human Security Act) ang panggigipit sa kanila. Sa ilalim ng batas, maaaring tugisin ng gobyerno kahit mga pinaghihinalaan pa lamang na terorista. Pinalakas pa ang kutob na ito nina Enrile nang utusan siya ng BID na kumuha ng clearance sa Department of Justice, National Intelligence Coordinating Agency, National Security Agency, at Office of the President para siya makaalis ng bansa. “Sobrang iregular ang pagkuha ng clearance sa mga ahensiyang ito. Wala kaming maisip na dahilan kung bakit pipigilang umalis si Annalisa ng mga ahensiyang ito…maliban na lamang kung itinuturing ng mga ito, na nagkataong bahagi ng Anti-Terrorism Council, na banta siya sa pambansang seguridad.” Sinabi ng isang impormante sa Malakanyang na noong Biyernes, Agosto 10, nag-usap ang Security Cluster ng Malakanyang, kabilang ang mga kinatawan ng mga nasabing ahensiya. Ang napagkaisahan umano: “Agarang resolusyonan ang kaso (ni Enrile).” Nangangamba naman si Rosca, aktibista ng First Quarter Storm ng 1970 at survivor ng batas militar sa Pilipinas, sa pananatili niya sa bansa. “Pilipinas, matapos ang Iraq, ang pinakamapanganib na lugar sa mundo para sa isang mamamahayag. Hindi ko alam kung ano ang balak nila (gobyernong Arroyo) sa akin.” Sa kasalukuyan, kagyat na hiling nilang makauwi sa US. Pero ikakampanya nila na isiwalat ng gobyernong Arroyo ang dahilan ng pagmamantini ng naturang listahan at agarang pag-aalis ng mga militanteng aktibista sa listahan. Agosto 14, 2007
Napangiti si Edita Burgos. Pangalawang beses na nakaharap niya ang isang sundalong “Abadilla” ang apelyido. Unang pagkakataon nang arestuhin ng isang kinatatakutang Abadilla ang asawa niyang peryodista noong batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ngayon, isang Abadilla ulit ang humaharang sa pagpapalaya ng militar sa kanyang dinukot na anak. “Noong panahon ni Marcos, muntik na akong suntukin ni Maj. Rolando Abadilla,” kuwento niya. Disyembre 7, 1982 nang salakayin ng mga tropa ng Metrocom o Metropolitan Command ni Abadilla ang opisina ng We Forum. Hinarap ni Edita ang opisyal at nagmatigas na hindi niya isusuko ang asawang patnugot ng pahayagan, si Joe. Namula sa galit si Abadilla at itinaas ang braso, akmang bibigwasan si Edita. Sa eksaktong puntong iyon, pumasok sa eksena ang abogado ni Joe, na ang pangalan ay Joker Arroyo. Ang dingding sa likod ni Edita ang sinuntok ng opisyal. “Ang lakas ng suntok, bagsak ang dingding,” alaala ni Edita. Biyernes, Agosto 3, nang makaharap niya si Lt. Col. Arthur Abadilla sa Court of Appeals sa kasong writ of habeas corpus na inihain niya para ilabas ng militar si Jonas Joseph Burgos, aktibista at miyembro ng Alyansa ng Magbubukid sa Bulacan. Lahat ng ebidensiya ay nagtuturo na ang militar ang dumukot sa 36 na taong gulang na anak niya. “Di ko alam kung kamag-anak nitong (bagong) Abadilla ’yung dating Abadilla,” sabi ni JL Burgos, kapatid ni Jonas. Ang bagong Abadilla ang kasalukuyang provost marshal ng AFP (Armed Forces of the Philippines). Trabaho niya ang gumawa ng internal na imbestigasyon sa tiwaling mga opisyal. Noong Mayo 9, 11 araw matapos dukutin si Jonas sa Hapag Kainan sa Ever Gotesco sa Commonwealth, Quezon City, inutusan ni AFP Chief of Staff Hen. Hermogenes Esperon si Abadilla na imbestigahan ang posibleng pagkakasangkot ng mga sundalo sa pagdukot kay Jonas. Sa korte, inilahad ng security guard na si Larry Marquez, 22, na nakita niya si Jonas na sapilitang isinasakay sa isang Toyota Revo na kulay maroon at may plakang TAV 194. Ang plaka ay sa isang sasakyan na impounded ng 56th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Norzagaray, Bulacan. Kinilala ng ibang impormante ang isa pang sasakyang kasama sa pagdukot, na may plakang XBC 881, isang Toyota Altis. Inamin ng AFP na ito ang official service car ni Army Chief Lt. Gen. Romeo Tolentino. Mariing itinanggi ng AFP ang akusasyong sangkot sa krimen ang kotse. (Ayon sa isa pang impormante, ang kotseng may plakang XBC 881 ay isang pula o maroon na Toyota Corolla.) Nang hindi pa nabubusalan ang bibig ni State Prosecutor Emmanuel Velasco, malaya niyang inilalahad sa midya ang progreso ng kanyang imbestigasyon na direktang nagsasangkot sa mga tauhan ng AFP. Samantala, sa Court of Appeals, inamin ni Abadilla na inimbestigahan niya ang 16 na opisyal at sundalo ng 56th IB. Sa husay ng direktang eksaminasyon ng abogado ng pamilyang Burgos na si Dean Pacifico Agabin, nahikayat si Abadilla na pangalanan ang ang ilang opisyal, tulad nina Lt. Col. Noel Clement at Lt. Col. Melquiades Feliciano. Pero tumanggi si Abadilla na ibigay sa korte at kay Edita ang kanyang ulat sa imbestigasyon. “Isinumite ko na (iyon) sa aking boss. Wala akong karapatang magdala ng anumang dokumento sa korte nang walang permiso ng Chief of Staff,” giit ni Abadilla. Wika ng korte, dapat tiyakin ni Abadilla na maipapakita ang ulat ng imbestigasyon matapos magpaalam kay Esperon. Pero matigas na tumanggi ang opisyal-militar. Kasintigas, ani Edita, ng suntok ni Abadilla noong panahon ni Marcos. Eh ano kung NPA? Walang duda sa isip ni Edita na militar ang dumukot kay Jonas. Maging ang Court of Appeals ay kumbinsido. Katunayan, iniutos nito na ilabas na ng Philippine Army si Jonas. Tulad ng inaasahan, itinanggi ng Army na nasa kanila si Jonas. Sa yugtong ito ng balitaktakan, idineklara ni Lt. Gen. Tolentino na, batay diumano sa kanilang imbestigasyon, miyembro ng NPA (New People’s Army) si Jonas. Eh ano kung NPA? Ito ang sundot maging ng karaniwang taong naniniwala sa demokrasya. Sakali ngang NPA si Jonas, dahilan ba iyon para siya ay dukutin, ilegal na idetine, pahirapan? Maging ang karaniwang kriminal ay inihaharap sa korte, hindi sinasaktan, itinuturing na inosente habang hindi pa napapatunayang maysala, idinadaan sa paglilitis bago sintensiyahan. Bakit nilalabag ng Army ang proseso ng demokrasya? Kung NPA nga si Jonas, AFP ang may motibo at kakayahang dukutin at iwala siya. Dahil sa ganitong postura ng militar, at sa kabila ng gabundok na ebidensiya, matindi ang pangamba ni Edita. “Hindi nila ilalabas si Jonas dahil kapag (ginawa nila iyon), parang inamin na nila ang pagdukot sa iba pa,” sabi ni Edita. Habang sinusulat ang artikulong ito, 185 na ang dinudukot dahil sa kanilang pampulitikang paniniwala. Sa karamihan ng mga ito, ebidensiyang sirkumstansiyal lamang ang nagtuturo na mga tauhan ng AFP ang dumukot. Iilan lamang ang kasong may malakas na ebidensiya na direktang nagsasangkot sa AFP. Isa rito ang kaso ni Jonas. Pinaghahandaan na ni Edita ang posibilidad na hindi na ilalabas nang buhay si Jonas. Pinalakas pa ito ng text sa kanya ng isang opisyal-militar na huwag nang hanapin si Jonas dahil patay na raw. “Marami kaming kaibigang opisyal na nakakausap. Ang sabi nila, maghanda na raw ako. Kasi, malamang na pinatay na siya,” ani Edita. Malabo na nga. Pero may mga indikasyong nagsasabing maaaring buhay pa ang biktima. Isa na rito ang sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita kay Edita. Si Ermita ay kaibigan, at katunayan ay ninong pa nga ni JL, kapatid ni Jonas. “Kinausap namin si Ermita. Sabi ko sa kanya, ‘Sige naman o, ilabas n’yo na ang anak ko’. Ang sagot ni Ermita, gagawin niya ang lahat sa saklaw ng kanyang kapangyarihan. E di parang inamin na rin nila. Hindi niya itinanggi na nasa kanila si Jonas. Ang sabi niya, gagawin niya ang lahat.” Relihiyoso, saradong Katoliko at mapamahiin si Edita. “Hindi pa siguro pinapatay si Jonas. Kasi, mararamdaman ko iyon kapag patay na siya,” aniya. Sa kabila ng pagpapaalala sa kanya ng mga nagmamalasakit na “wala namang magagawa ang pagsimba-simba” para mahanap si Jonas, ina siyang kumakapit sa paniwalang ang dasal ay makapangyarihan, lalo na sa sitwasyong gaya ngayon. Hanggang magkaroon ng katiyakan ang kapalaran ni Jonas. Panganib Sa paghahanap sa anak, maging ang buhay ni Edita ay nalalagay sa panganib. Noong nakaraang mga linggo, tuwing umuuwi sa Quezon City ay nakakaramdam siya na may bumubuntot sa kanya. Minsan, habang nag-iikot sa Shopping Center sa UP Diliman, napansin niyang sinusundan siya ng isang babae. Pumasok siya sa isang tindahan, sinundan pa rin siya. Nagpanggap ang espiya na nagbebenta ng siniguwelas. Binili niya, pero bago iabot ang pera, binulungan niya: “Masama iyang ginagawa mo. Mananalangin akong hindi ka mapunta sa impiyerno.” Namutla ang babae at kumaripas ng takbo, hindi man lang kinuha ang bayad. “May libreng siniguwelas tuloy ako,” patawang kuwento ni Edita. Sa isa pang pagkakataon, sinundan siya sa isang kumbento sa New Manila. Nilapitan niya ang lalaki at sinabihang pumasok na lamang sa simbahan at doon siya hintayin. Umalis ang lalaki, sumakay sa isang nakaparadang sasakyan. “Kailangan talaga, hinaharap mo (ang mga espiyang nagmamanman). Kausapin mo nang maayos. Kasi, gusto nilang takutin ka. Imbes na matakot, hinaharap ko,” sabi niya. Ito ang aktitud niya sa paghahanap kay Jonas. Alam niyang layunin ng pandarahas ng estado na takutin ang mga mamamayan, para hindi na magreklamo. Pero sa halip na matakot, dapat ay lalong harapin ang estado. Dapat singilin at igiit ang nararapat. Tulad ng matapang na pagharap niya sa mga Abadilla. Batid niyang sa susunod, maaaring higit pa sa bigwas o suntok ang tatama sa kanya. Pero handa si Edita Burgos, isang ina ng desaparecido, na harapin anuman iyon.
Maging mga biktima ay umaasa rin, kung hindi’y hindi sila dadalo sa konsultasyong ipinatawag ng Korte Suprema para ukilkilin ang pampulitikang pamamaslang at pagdukot. Kenneth Roland A. Guda Maghapong kunot-noo si Chief Justice Reynato Puno nitong Hulyo 16. Ni minsan ay hindi siya nabagot, habang isa-isang nagtalumpati ang mga miyembro ng hudikatura, ehekutibo, Kongreso, at higit sa lahat, mga grupong pangkarapatang pantao. Seryoso siya sa pag-asang sa araw na iyon, at sa susunod pa, makakahanap din ng solusyon sa pampulitikang pamamaslang at pagdukot. “Kung may dapat mangibabaw na dahilan para sa Summit na ito, ito ay ang . . . muling pagbuhay sa ating makatarungang pagtuligsa . . . at nagkakaisang paghahanap ng solusyon sa lumalalang problemang ito,” panimulang talumpati ni Puno sa National Consultative Summit on Extrajudicial Killings and Enforced Disappearances – Searching for Solutions, na ipinatawag mismo ng Korte Suprema. Sa unang pagkakataon, napagharap ang grupo ng mga biktima, tulad ng Karapatan at Hustisya, at mga kinatawan ng tatlong sangay ng gobyerno. Sa bulwagan ng Manila Hotel, pinaksa ng mga hukom, representante ng CHR (Commission on Human Rights), simbahan, midya, akademya at Kongreso ang mga posibleng paraan para tuluyang mapawi ang pampulitikang panunupil na laganap ngayon. Puntos at kontrapuntos sa Summit Isa sa naunang nagtalumpati si Dr. Edelina de la Paz, tagapangulo ng Karapatan. Aniya, ang “sistematikong polisiya ng panunupil” ay matatagpuan sa Oplan Bantay Laya I at II. Halatang natinag ang damdamin ng mga manonood nang talakayin ni De la Paz ang pagpaslang kay Pastor Sta. Rosa sa Albay at pagdukot kay Jonas Burgos sa Bulacan. Sa dalawang ito pa lang, malinaw na militar ang suspek. Tinalakay naman ni Prop. Luis Teodoro, pangalawang direktor ng Center for Media Freedom and Responsibility, ang implikasyon ng pagpaslang sa midya sa sinasabing demokrasya sa bansa. Aniya, bagamat lumalabas na walang sistematikong polisiya ng pagpaslang sa midya, dapat ikabahala ng gobyerno na ang Pilipinas ay pinakamapanganib para sa mga mamamahayag, pangalawa lamang sa Iraq. Nag-ulat rin sina CHR Chair Purificacion Quisumbing, Ombudsman Merceditas Gutierrez at CA Justice Lucas Bermasin sa kasalukuyang imbestigasyon at pag-uusig sa mga kaso ng pamamaslang at pagdukot. Inamin nila na labis ang pagkukulang ng kasalukuyang sistema sa paggagawad ng hustisya sa mga biktima. Sa pananaw naman nina dating Sen. Wigberto Tañada, Fr. Joaquin Bernas at Dean Pacifico Agabin, ang konsepto ng command responsibility sa mga kaso ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ng militar at pulisya ay tumutulay hanggang sa Punong Kumander. Para kay Agabin, itinuturo ng pandaigdigang jurisprudence na hanggang sa Malakanyang ang responsabilidad. Nabuo sa Summit ang consensus na sa pampulitikang pamamaslang at pagdukot, target ang mga di-armadong sibilyan, karaniwa’y ordinaryong mga mamamayan at aktibista. Gayunman, matigas pa rin sa pagtanggi ang militar at pulisya. Sa kanyang talumpati, idiniin ni Gen. Hermogenes Esperon na hindi raw polisiya ng gobyerno ang pumatay ng mga aktibista. Inulit ni Gen. Oscar Calderon ang katwirang hindi lang militar ang pumapaslang, kundi pati mga rebelde. Naglektyur naman si Justice Sec. Raul Gonzalez sa mga problema ng hudikatura, ngunit tumangging magsalita hinggil sa karapatang pantao. “Walang makakapagsabi sa akin na mas naiintindihan niya ang karapatang pantao nang higit sa akin,” mayabang niyang pahayag. Sa pagitan ng sesyon, nagpalitan ng salita sina Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Esperon. Ayon kay Esperon, “Kung hindi mo ikinukundena ang NPA, tagasuporta ka ng NPA.” Sagot naman ni Ocampo, “Bulok iyang sinabi niya. Paano kung tatanungin ang ordinaryong mamamayan kung kinukundena niya ang NPA, tapos hindi masagot, sasabihin (ni Esperon) na tagasuporta na?” Repleksiyon umano ito ng mentalidad ng militar na di nagtatangi sa armadong rebelde at legal na oposisyon. May pag-asa kung may pag-asa Kung tutuusin, datihan pa rin ang mga solusyong inihapag sa Summit: pagpapalakas sa pag-uusig sa mga abusadong militar at pulis; pagrepaso sa Rules of Court at iba pang batas, tulad ng wala-nang-pangil na writ of habeas corpus; pagpapalakas sa Witness Protection Program; at edukasyon sa karapatang pantao sa hanay ng militar at pulisya. Para kay Makati Rep. Teodoro Locsin Jr naman, napakahirap ang magiging trabaho ng Korte Suprema sa pangangalaga sa mga karapatang pantao. Inilarawan niya ang paghahanap ng solusyon ni Puno sa ganitong paraan: “pakikipagtuos ng pinakamahinang sangay ng gobyerno (Korte Suprema) sa pinakamakapangyarihang sangay (militar).” Sinabi ni Puno sa PINOY WEEKLY: “Simula pa lamang ito. May mga susunod pang kailangang hakbang. Pero umaasa ako na magdudulot ito ng magandang resulta.” PW (Habang tinatapos namin ang isyung ito, idinaraos ang ikalawang araw ng Summit. – Editor)
Araw-araw, nagdadalamhati ang kaanak ng mga OFW sa pagdating ng kanilang nasawing mahal sa buhay sa isang bahaging ito ng Naia. Kenneth Roland A. Guda HINDI bababa sa limang OFW (overseas Filipino worker) araw-araw ang lumalapag sa bahaging ito ng Naia (Ninoy Aquino International Airport). Pero walang “Balikbayan Express Lane” itong dinadaanan. Ni hindi nga sila sa ordinaryong arrival area dumaraan. Pagkalapag ng eroplano mula sa pinanggalingang bansa, isasakay sila sa forklift at isasalaksak sa isa sa mga warehouse na karatig ng paliparan. Doon sila bahagyang mamamahinga. At kung papalaring may naghihintay na kamag-anak, muli silang isasakay sa forklift para salubungin ng mga kamag-anak. Sila ang mga kababayan nating di pinalad sa ibang bansa: mga OFW na sa anumang dahila’y nabawian ng buhay, sa lupaing dayuhan. “Marami, marami ang dumarating dito araw-araw. Hindi nga bababa sa lima,” kuwento ni Jesus del Rosario, admin billing officer ng GlobeGrounds Pairpags (People's Aircargo and Warehousing, Inc.), isang warehouse at ground handler sa Naia (Ninoy Aquino International Airport) kung saan ibinababa ang mga nakakahong labi ng ating mga kababayan. Sa lugar na ito, normal na lamang ang araw-araw na pagdating ng bangkay. Pero apektado pa rin ang mga empleyado. Kababayan din nila iyong mga dumarating nang nakakahon. Normal na lamang ang biglang pagbulahaw ng isang kamag-anak habang papalapit ang forklift mula sa warehouse sa loob ng gusali ng Pairpags. Minsan, kung medyo kakaiba ang sirkunstansiya ng pagkakamatay, may media na sumasalubong. Pero madalas, lumilipas na lamang ng walang nakakapansin. Isinugal na buhay Kakatwang nakapuwesto ang warehouse ng Pairpags sa harap ng malaking gusali ng Casino Filipino. Tulad ng paglalaro sa casino, napakalaking sugal ang ginagawa ng mga OFW. Madalas, sila ang talo. Kung minsan pa, buhay ang nakataya. “Iba-iba ang hitsura ng mga kahon (na kinalalagyan ng mga bangkay),” kuwento ng isa pang empleyado na tumangging magpakilaala. “Alam na nga namin kung saan galing kapag nakita namin ang kahon. Kung galing kasing Amerika, maganda at mamahalin ang ataul na bigay ng gobyerno ng Amerika. Kung galing Middle East, madalas, nakakahon lang. Parang makapal na plywood lang.” Nangingilabot ang empleyado tuwing ginugunita ang itsura ng mga kahon. Minsan, aniya, tumatagos pa mula sa kahon ang formalin. Ibig sabihin, matagal na itong namatay, ngayon lamang naiuwi. “Minsan, natatambak (ang ataul). Walang nagke-claim,” sabi pa niya. Pero kuwento naman ni Del Rosario, hindi puwedeng matambak ang mga bangkay sa kanilang warehouse. Bago ito ipinapadala mula sa pinanggalingang bansa, kailangang masiguro muna umano na may kaanak na susundo sa bangkay. Kasi kung hindi, itatambak ito o ililibing na sa mismong pinanggalingang bansa. Anu’t anuman, kinumpirma ng empleyado at ni Del Rosario na napakaraming bangkay ng OFW ang dumadaan sa kanilang warehouse. At hindi lamang sila ang warehouse sa Naia – nagkataon lamang na sila ang warehouse na ginagamit ng ilan sa mga airline mula sa Amerika at Gitnang Silangan, tulad ng Saudia. ‘Misteryo ng hapis’ Noong Mayo 2, sinamahan ng PINOY WEEKLY na maghintay sa Pairpags, ang mga kaanak ni Feliza “Fely” Garcia, isang Pinay domestic helper na “nagpakamatay” diumano sa Amerika. Delayed ang flight mula sa pinanggalingan ni Fely sa New York. Sa halos sampung oras na inihintay namin sa Pairpags – mula alas-8 ng gabi hanggang ala-sais ng umaga – walo na ang iba pang bangkay na dumating. Samu’t sari ang dahilan ng pagkakamatay: may naaksidente, may nagpakamatay, may namatay na hindi alam ang dahilan. “Kasama sana natin ang isang representative ng Owwa (Overseas Workers’ Welfare Administration), kaso may problema siya,” kuwento ni Jonathan Panlilio, media liaison officer ng Migrante International na umaalalay sa mga kaanak ni Fely. Ang problema, buntis ang itinalagang kinatawan ng Owwa sa panahong iyon. At kailangan pa niyang tumulong sa paparating na dalawang (buhay) na balikbayan – isang pilay at isang nasisiraan ng bait. Kaarawan noon ni Fely. Dalawang buwan na siyang patay, at ngayon lang siya makakauwi pagkatapos ng inquest, forensic exam at imbestigasyong isinagawa ng New York Police Department. Sinamahan pa ng mga kaanak na sina Garry at Gliff ang bangkay ni Fely mula Amerika. $4,900 lamang ang ibinigay ng konsulado ng Pilipinas sa US, sapat lamang para sa pamasahe ng bangkay. Nagpatak-patak pa ang mga Pinoy roon sa pangunguna ng Migrante para makauwi sina Garry at Gliff. Misteryoso ang pagkakamatay ni Fely dahil bago siya mamatay, nag-iwan pa siya ng sulat para sa kasambahay na nagsasabing hinaharas at tinatakot siya ng employer na si Wener Oppenheimer. Pero suicide ang deklarasyon ng pulisya. Matindi ang duda ng mga kaanak. Pero hindi na nagpumilit pa ang konuslado ng na muling imbestigahan ang kaso. “Malaki ang sama ng loob namin sa gobyerno,” kuwento ni Geraldine Gamboa, tanging anak ni Fely. Sa loob ng sampung oras na paghihintay nila, pinagpasa-pasahan pa sila ng mga opisyal ng Pairpags, Naia at Customs. Hindi nila alam kung anong oras darating. Ang malupit na nito, nagbayad sila ng P300,000 sa punerarya sa Batangas para sunduin pa ang bangkay at dalhin ito sa inuuwiang probinsiya. “Madalas na naming gawin ang pagsundo sa bangkay ng OFW,” sabi ni Panlilio. Pero aniya mahirap pa rin sa bawat pagkakataon. Alas-sais na ng umaga nang dumating si Fely. Maliwanag na. Mula sa warehouse sa loob ng gusali, bitbit ng forklift ang bangkay patungo sa naghihintay na mga kaanak. Hindi nakayanan ni Geraldine, na nanlambot ang tuhod sa pagluluksa. Agad na inilapag ng forklift ang kahon, at bumalik sa warehouse. May isa na namang kahon na kararating lang na kailangan nitong sunduin.
|
|